COUN. DOK G LUMBAD KABILANG SA 100 MOST POWERFUL WOMEN

TARGET NI KA REX CAYANONG

NARARAPAT ipagmalaki ang husay at galing ng kababaihan sa pamumuno. Maraming ganyan sa ating bansa. Mahalaga ang papel ng kababaihan sa lipunan.

Isa sa mga halimbawa ng mahuhusay na mga Pinay at lider ay walang iba kundi si Coun. Geleen “Dok G” Lumbad ng Quezon City.

“Pinarangalan ang mga natatanging kababaihang lingkod-bayan sa ating lungsod sa ginanap na Gawad Pilipino Awards bilang pagkilala sa kanilang husay at galing sa larangan ng serbisyong publiko,” pahayag ni Dok G, isa sa awardees.

Bukod kay Lumbad, kasama rin sa 100 Most Powerful Women of the Year sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Coun. Doray Delarmente, Coun. Candy Medina, Coun. Raquel Malangen at Coun. Aiko Melendez.

Tinututukan ni Dok G ang kapakanan ng kanyang nasasakupan.

“Ngayong Women’s Month, busy po ang #TeamDOKG sa kaliwa’t kanang proyekto para ipagdiwang ang lakas at galing ng mga babae,” pahayag ng masipag na konsehala.

“Sa tulong ni Kap Addatu, namigay po kami ng spaghetti packs sa mga kababaihan ng Brgy. Marilag…”

Sa panayam naman ng TARGET ON AIR sa DZME 1530 (Una sa Kanan), binanggit ni Dok G na bottled water at sandwich naman ang handog nila sa mga lumahok sa “Indak para sa buwan ng Kababaihan” sa Brgy. Mangga kamakailan.

“At noong March 17, spaghetti packs din ang regalo namin sa Brgy. St. Ignatius. At free snacks naman sa mga taga-Brgy. White Plains at East Kamias,” masayang sabi ng lady councilor.

Maging sa Brgy. San Roque ay nagkaroon ng free medical check-up at consultation habang namahagi rin ito ng libreng gamot para sa mga benepisyaryo.

“Hindi tumitigil ang #TeamDOKG sa pamamahagi ng monthly supply ng free vitamins at maintenance sa mga Barangay ng District 3, QC,” aniya.

“Hintayin n’yo lamang ang aming pagbisita sa inyong lugar at huwag pong kalimutang bitbitin ang inyong DOK G Card.”

Talagang masaya ang mga taga-barangay sa mga ginagawa ni Dok G. Bihira ang mga ganitong pagkakataon. Ibang klaseng public servant talaga itong si Lumbad.

Madalas kasi, ang ibang lingkod-bayan, kapag nanalo na ay nakakalimutan na ang kanilang nasasakupan.

Naaalala lang daw sila kapag malapit na naman ang halalan. Well, ibahin n’yo si Dok G.

Saludo po kami sa inyo, Coun. Lumbad. God bless and more power po!

378

Related posts

Leave a Comment