CRYSTAL C ALKALINE

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO

ALAM naman natin na napaka-importante ng kalusugan ng tao. Sabi nga, Health is Wealth.

Ang kalusugan ay kayamanan kaya dapat ingatan ang sarili, pamilya at komunidad.

Araw-araw ay kailangan natin ang vitamins, especially Vitamin C. Tested na natin ‘yan noong dinatnan ng delubyo ang buong mundo dahil sa pandemic.

Ito ‘yung mga panahon na halos Vitamin C ang pangunahing gamit na proteksyon ng mga tao at halos nagkaubusan sa merkado. Pahirapan kang makabili nito na nagpapatunay kung gaano kahalaga ang Vitamin C, kahit pa ‘yung mga taong gustong magpaganda at umiinom ng glutathione, ay kailangan may kaakibat na Vitamin C. So dapat lang na MAPANURI tayo sa iniinom nating Vitamin C. Kagaya na lang nitong Crystal C Alkaline na highly recommended na mas effective kung iinom ka ng empty stomach dahil ito ay non-acidic.

Bakit tinawag na Crystal? Dahil purong sodium ascorbate at tama ang dosage bawat capsule na 500mg, nagbo-boost ng energy, nagpapalakas ng immune system ng tao kaya ‘di ka basta magkakasakit.

Ang sodium ascorbate dietary supplement is commonly used to help support the immune system, reduce inflammation and provide antioxidant protection. It is also used to help treat colds, flu and other infection. Ang ascorbic acid ay ligtas sa kidney lalo na ang ginamit na kapsula ng Crystal C ay seaweed kaya safe na safe.

Sa Crystal C Alkaline, ito pa ang makukuha mong benefits, may abilidad itong makatulong sa immune system ng katawan ng tao para makaiwas sa kalimitang mga sakit tulad ng sipon, ubo, at trangkaso. Ang Crystal C Alkaline ay nasa ilalim ng pamamahala ng Chief Executive Officer na si Mr. Roderick Avelino and Chief Operation Officer Ms. Maricar Baguilat. Manufactured by AZARIAS Pharmaceutical Laboratories Inc. Ang Crystal C Alkaline ay exclusively distributed by Life Source Marketing Corporation.

41

Related posts

Leave a Comment