KTV BAR SA BACLARAN PUGAD NG PROSTITUSYON

BALYADOR ni RONALD BULA

PATULOY ang pagtaas ng kaso ng prostitusyon sa ating bansa.

Karamihan sa mga biktima ay mga menor de edad na pinapasok sa mga KTV bar o kaya naman sa mga prostitution den. Kahirapan ang pangunahing dahilan ng mga napapasok sa prostitusyon.

Sa una ay labag sa kanilang kalooban ang pagbebenta ng sariwang laman, subalit sa katagalan, nakasanayan na nila ito at unti-unti nang natatanggap.

Kalimitan ay sa mga KTV bar at cybersex den na ginagamit ang mga menor de edad bilang solo performers at GRO. Mayroon namang mga kaso ng mga babaeng ibinabahay o itinitira sa casa.

Ang siste, tumatawag ang mga parokyano para kumuha ng babae. Nagkakaroon ng sabwatan sa pagitan ng casa, KTV bar at hotel kaya naman nagiging mas madali ang pagpasok ng inilalakong kababaihan sa kanilang establisyemento.

Sa kabila ng pagbebenta ng sariwang laman ng kawawang mga biktima, barya-barya lamang ang kanilang natatanggap. Kalimitan ay napupunta sa mga bugaw at may-ari ng bahay-aliwan ang kanilang kinikita.

Hindi lamang sa mga KTV bar o sa mga hotel nauuso ang prostitusyon. Mayroong mga kaso ng prostitusyon kung saan lantaran ang pagbebenta ng sariwang laman.

Isang sumbong via text message ang natanggap ng BALYADOR mula sa isang tipster.

Isinumbong niya ang hayagang pagsasayaw nang walang saplot ang katawan at paglalako ng panandaliang aliw ng isang KTV bar sa kahabaan ng Airport Road, Barangay Baclaran, Parañaque City.

Mabilis na makakukuha ang sinomang naghahanap ng panandaliang aliw dahil sa kanilang estilo. Ang paraan ng kanilang paglalako ng panandaliang aliw, garapalan. Hinaharang ang mga kalalakihang dumadaan at saka inaalok ng kanilang serbisyo.

Kapag kumagat sa kanilang patibong, sila na mismo ang magdadala sa kanilang kliyente sa isang motel malapit sa kanilang pwesto.

Ang prostitusyon ay isa sa mga problema ng bansa. Habang patuloy ang kahirapan, patuloy na tataas ang kaso ng prostitusyon. Patuloy na dadami ang bilang ng mga nagiging biktima hangga’t kinukunsinte ito ng ating mga awtoridad.

Ayon sa reklamo, hayagan umano ang pagpapalabas ng malalaswang panoorin at paglalako ng panandaliang-aliw o quickie sex ng guest relation officers (GROs) at bold dancers na nagtatrabaho sa FADES KTV na matatagpuan sa kahabaan ng Airport Road, Barangay Baclaran, Parañaque City na umano’y walang ginawang aksyon hingil dito ang tanggapan ni Mayor Eric Olivarez.

Sa kabila umano ng reklamo ng ilang mga residente, laban sa nasabing bahay-aliwan na front ng prostitusyon, ay wala umanong ginagawang kaukulang aksyon ang Mayor’s Office sa kanilang reklamo.

Ayon sa mga nagrereklamo, lantaran ang pagtatanghal ng mga malalaswang panoorin ng nabanggit na night club kung saan ang mga kababaihan ay hayagang nagsasayaw nang walang saplot ang katawan sa harap ng mga customer, at umi-erya sa mga teybol ng mga kostumer habang pinahihimas ang kanilang maseselang bahagi na katawan, habang ang GROs ay nakikipag-sex kapalit ng salapi sa VIP rooms na may padlock.

Sinabi pa ng nagrereklamong mga residente, hinahayaan umano ni Mayor Olivarez ang operasyon ng nasabing beerhouses na siyang ugat ng pagkalat ng iba’t ibang uri ng sakit tulad ng sexually transmitted diseases (STD) at venereal diseases.

PAGING – National Bureau of Investigation – Anti-Human Trafficking Division (NBI AHTRAD) chief, ATTY. JANET FRANCISCO at Criminal Investigation and Detection Group Women and Children Complaint Unit (CIDG-WCCU) chief, PLTCOL. MARISSA R. BRUNO

‘Wag bibitiw, may kasunod pa!

@@@

Sa Suhestiyon, reklamo at reaksyon, tumawag sa (Smart) 09397177977 (Globe) 09368625001 o ‘di kaya mag-email sa balyador69@gmail.com

44

Related posts

Leave a Comment