DAGDAG SAHOD NA 35 PESOS

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN

ANG sahod ng mga empleyado ang pangunahing pinagmumulan ng ikabubuhay, hindi lamang ng mga manggagawa kundi pati na rin ng mga miyembro ng kanilang pamilya.

Inaprubahan nitong Lunes ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang dagdag na 35 pesos para sa sahod ng mga manggagawa sa private sector sa Metro Manila.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), lusot na sa National Capital Region Wage Board ang naturang wage increase. Ibig sabihin, mula sa 610 pesos na minimum wage kada araw ay tataas na ito sa 645 pesos. Mula naman sa 573 pesos, umakyat sa 608 pesos ang daily minimum wage ng agriculture workers, service o retail establishments na may hindi bababa sa 15 employees at manufacturing establishments na may hindi bababa sa 10 manggagawa. Ito ay epektibo simula Hulyo 17.

Ang 35 pesos na dagdag na ito ay insulto sa mga manggagawang Pilipino. Mas mababa pa ito sa 40 pesos na umento na ipinagkaloob noong 2023. Paano aasahan ng gobyerno na mabubuhay ang mga manggagawa sa NCR sa 645 pesos kada araw kung ang Family Living Wage ay nasa 1,200 pesos at patuloy na tumataas ang presyo?

Ang maliit na pagtaas ng minimum na sahod ay isang masamang solusyon. Saan kukunin ng mga kumpanya ang pasahod sa mga manggagawa? Sa mga mamimili. Ang ending tataas na naman ang bilihin. Ganyan gumagana ang batas ng supply at demand. Kung tataas ang kita ng mga mamimili, tataas ang demand at vice versa.

Kailangan nating sagutin ang isang mahalagang tanong: paano pataasin ang produktibidad ng paggawa? Ang pagbabayad ng mataas na suweldo, na hindi bababa sa dapat at sapat upang mapanatili ang minimum na pamantayan ng pamumuhay na makatutulong sa pagpapabuti ng produktibidad para sa mga manggagawa nang direkta o hindi direkta. Samakatuwid, ang pagtaas ng minimum na sahod upang matiyak ang pinakamababang pamantayan ng pamumuhay para sa mga manggagawa, ay isang tamang pagpipilian. Ang pinakamasamang kaso ay maaaring mangyari kapag ang isang manggagawa sa produksyon ay hindi maaaring magpatuloy na manatili sa kumpanya sa loob ng mahabang panahon. Minsan ang tanging paraan para makakuha ng sapat na suweldo ay ang lumipat ng trabaho sa ibang lugar. Ang sahod ay may partikular na mahalagang papel, na nagpapasya sa katatagan at pag-unlad ng ekonomiya ng pamilya.

Ang isyu ng mababang sahod ay isang matinding alalahanin dito sa ating bansa, na nakakaapekto sa milyun-milyong manggagawang Pilipino at kanilang mga pamilya.

Habang patuloy na tumataas ang halaga ng pamumuhay, ang kasalukuyang pinakamababang sahod ay kulang sa pagbibigay ng disenteng pamantayan ng pamumuhay.

64

Related posts

Leave a Comment