KAALAMAN Ni Mike Rosario
SA aking pagkakaalam ay hindi na dapat magpadala ang Pilipinas ng Pinay domestic helper sa bansang Kuwait.
Bato-bato sa langit ang tamaan ay ‘wag magagalit sa akin. Bakit? Hindi lingid sa KAALAMAN nating mga Pilipino ang totoong nangyayari sa mga kababayan nating DH sa Kuwait na nakikipagrelasyon sa kanilang mga among lalaki.
Anong dahilan? Pera siyempre. Kung sisilipin natin, napakamura ng suweldo ng Pinay DH sa Kuwait, maswerte na sila kung pasuswelduhin sila ng kanilang mga amo ng P30K sa isang buwan.
Kung ang pangarap ng isang domestic helper kaya siya nag-abroad sa Kuwait ay para yumaman ay hindi niya ito matutupad kung ang pagbabasehan lamang ang kanyang sweldo na P30K kada buwan.
Para matupad niya ang kanyang (DH) pangarap na yumaman ay mag-iisip siya kung ano ang kanyang gagawin para matupad niya ito.
Nariyan si Baba o amo niyang lalaki na magkakainteres sa kanya, susubukan siya at papainan ng pera kapalit ng kanilang relasyon.
Siyempre, mag-iisip si DH na kaya siya nag-abroad para yumaman at ito ngayon si Baba o among lalaki na nag-o-offer sa kanya ng pera kapalit ng kanilang ilegal na relasyon.
Papatol ngayon si DH sa kanyang amo dahil wala namang mawawala sa kanya sapagkat hindi naman siya dalaga na hanggang sa magkakaroon sila ng relasyon na hahantong pagkakabuking ng among babae.
Dito na humahantong ang gulo ng mag-asawang employer dahil sa ilegal na relasyon ni Baba sa kanilang DH.
May mga nakalulusot, kaya pagkapos ng ilang taon na pagiging DH ni Pinay sa Kuwait ay uuwi siya Pilipinas na may pera.
Ang tanong ngayon, tama ba ang ginawa ni DH na makipagrelasyon siya sa kanyang among lalaki para lang yumaman? Mali!
Papaano pala kung hindi siya nakalusot at nabuking ang kanyang ilegal na relasyon sa kanyang amo?
Kaya hindi nakapagtataka kung bakit humahantong ito sa maraming Pinay DH na pinapatay o minamaltrato ng kanilang mga amo sa Kuwait dahil sa kanilang mga maling gawain.
Naitanim na rin sa isipan ng mga among lalaki sa Kuwait na madali nila makukuha ang Pinay DH kapalit ang pera.
Kung ako ang tatanungin, hindi na dapat magpadala ng Pinay DH sa Kuwait dahil magiging paulit-ulit na lang ang pagmamaltrato sa kanila dahil na rin sa ginagawa nilang pakikipagrelasyon sa kanilang among lalaki.
