Itong panahon na nag-uuulan, hindi maiwasang kabahan ang mga magulang sa pinsalang maaaring dala ng lamok lalung-lalo na ang mga naturukan ng Dengvaxia vaccine.
Ano na nga pala ang update ukol dito? Higit na sa 600 na mga batang naturukan ng Dengvaxia ang nangamatay na hinihinalang dahil sa experimental vaccine. Halos pare-pareho ang ipinakitang mga sintomas ng mga biktima bago namatay.
Walang pinag-iba ‘yan sa kamakailan ay mga nangamatay dahil sa may lasong milk shake sa Lungsod ng Maynila. Pare-parehong sintomas ang ipinakita ng mga biktima bago nangamatay. Ganyan din sa biktima ng Dengvaxia.
Mismong nanggaling na rin sa Sanofi Pasteurs, ang kompanyang nagma-manufacture ng Dengvaxia na maaaring magkaroon ng extreme dengue at extreme diseases ang mga seronegative na naturukan ng experimental vaccine, mismong mga nakitang sintomas sa mga ito.
Malinaw na ‘yan, may pag-amin. Dagdag pa riyan ang mga pahayag ng mga eksperto sa dengue vaccine sa ibayong dagat.
Malinaw na unang hakbang ito para sa katarungan, ang paghahabla ng Department of Justice kay dating Department of Health Sec. Janette Garin at 19 pang health at pharmaceutical officials at inaasahang magdudugtong kina Noynoy Aquino at Butch Abad na alam na naman ng lahat na may kritikal na partisipasyon sa madaliang pagkakabili at pag-iineksyon ng Dengvaxia sa higit sa 800,000 na mga mag-aaral at kabataan.
Nagdesisyon na rin ang Food and Drug Administration (FDA) na i-revoke na ang certificate of product registration na nauna nang inisyu sa nasabing kompanya ng FDA. Hindi pwedeng mag-import, magbenta at mag-distribute ng Dengvaxia.
Ano na ang nangyari sa mga kasong inaasahan ng taumbayan na magbibigay hustisya sa mga biktima at kani-kanilang pamilya? (For the Flag / ED CORDEVILLA)
137