DISKARTE SA BUHAY

At Your Service Ni Ka Francis

ANO nga ba ang kahulugan ng diskarte?

Ito ang kakayahan at husay sa paggamit ng iba’t ibang pamamaraan, tiyaga at talino upang malutas ang mga problema at abutin ang layunin sa kabila ng mga pagsubok.

Ang taong madiskarte ay hindi makararanas ng pagkagutom ang kanyang pamilya.

Hindi siya marunong sumuko sa mga hamon ng buhay.

Siya rin ay matalino, kaya niyang lutasing mag-isa ang kanyang mga problema.

Ang taong madiskarte, sila rin ang mga umaasenso sa buhay dahil sila ang mga matiyaga sa kanilang ginagawa.

Kung mabibigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng negosyo, sila ang siguradong aangat pagdating ng panahon.

Hindi kasi sila namimili ng kanilang gagawin, marumi man o malinis na trabaho basta marangal ay pagtitiyagaan nilang tapusin.

Hindi rin sila tumitigil hangga’t hindi nila nakukuha ang kanilang gustong abutin.

Sila ang dapat binibigyan ng suporta ng gobyerno na magkaroon ng puhunan para makapagsimula sa negosyo.

Sa Pilipinas kasi, kahit na madiskarte ka sa buhay kung wala kang oportunidad na makapag-negosyo, hindi ka rin aasenso.

Kung aasahan lamang ang pangangamuhan o pagtatrabaho sa mga kumpanya ay hindi ka aasenso sa liit ng suweldo.

Katuwang ng madiskarteng tao sana ang pamahalaan para sa suporta sa pamamagitan ng puhunan at proteksyon.

May mga bansa sa mundo na suportado nila ang kanilang mamamayan partikular ang mga gustong magtayo ng kanilang sariling negosyo kaya mabilis ang pag-angat ng kanilang mga tao.

Kung gagawin ito ng ating pamahalaan, walang imposible na umangat ang Pilipinas tulad ng mayayamang bansa ngayon.

Isa sa mga ito ay tulad ng Japan na bagama’t hindi kalakihan ang kanilang bansa, ay maunlad sila at maging ang kanilang mamamayan dahil sa suporta ng kanilang pamahalaan sa mga tao.

Nagkakaisa sila partikular sa panahon ng kalamidad kaya madali silang nakakaahon sa anomang sakuna.

Sana dumating ang panahong magkaisa ang mga Pilipino sa iisang layunin para sa ikabubuti nating lahat.

22

Related posts

Leave a Comment