DOJ HINDI NAGKULANG SA PAGSASAMPA NG KASO LABAN SA JOLO, SULU PNP

INIHAYAG ng Department of Justice (DOJ) na naihain na noong January 4, 2021 sa Sulu Regional Trial Court ang kasong four (4) counts of murder laban sa siyam na pulis na responsable sa Jolo encounter na ikinamatay ng apat na intelligence officer ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong nakaraang taon.

Sa panayam kay Prosecution Attorney Honeyrose Delgado, Spokeperson ng National Prosecution ­Services Office o NPS, ipinaliwanag nito na hanggang sa kasalukuyan ay inaantabayan pa rin anya nila ang arrest warrant na nakatakdang iisyu ng Sulu court.

Paliwanag pa ni Spokeperson Delgado na ­maaring nabalam ang pag aksyon ng Sulu court sa crminal information na isinampa ng NPS-DOJ dahil sa naka-lockdown sa kasalukuyan ang Sulu RTC dahil na rin sa COVID-19 pandemic.

Ang mga kasong kriminal na inihain ng DOJ-NPS ay may kaugnayan sa apat na bilang ng kasong murder at planting of evidences laban kina SMSg. Abdelzhimar Padjiri, MSg. Hanie Baddiri, Cpl. Sulki Andaki, SSg. Iskandar ­Susulan, SSg. Ernisar Sappal, SSg. Almudzrin Hadjaruddin, Pat. Mohammad Nur Pasani, Pat. Alkajal Mandangan and Pat. Rajiv Putalan ng Jolo, Sulu PNP dahil sa pamamaril kina AFP Intel officer Maj Marvin Indamog, Capt. Irwin ­Managuelod, Sgt Jaime Velasco Jr., at Cpl Abdal Asula.

Ang reaksyon ng DOJ-NPS ay kasunod na rin ng ginawang pagpapalaya sa mga suspeks ng ­pamunuan ng Philippine National Police matapos namang maipatupad ang pagsibak sa mga ito dahil na rin sa kasong administratibo.

Paliwanag ng PNP na kaya nila pinalaya nuong Lunes ang mga suspeks ay dahil sa wala pa anyang naipapalabas na ­arrest warrant laban sa mga akusado at wala na umano silang ­hurisdiksyon sa mga suspeks matapos ngang maipatupad ng PNP ang dismissal order laban sa mga ito, at upang ­makaiwas narin na sila’y ma-charge ng tinatawag na arbitrary detention.

Ang mga naturang mga akusadong pulis ay nauna ng inakusahan ng pamamaslang noong June 29, 2020 sa mga ­intelligence Officer na AFP na kinilalang sina Maj Marvin Indamog, Capt. Irwin Managuelod, Sgt Jaime Velasco Jr. , at Cpl Abdal Asula. matapos namang mapaghinalaan ng mga akusado na mga konektado sa teroristang abu sayyaf group (ASG).

119

Related posts

Leave a Comment