DOK G LUMBAD NAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG AT LIBRENG GAMOT

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

NAMAHAGI ng pamaskong handog at gamot si 3rd District Councilor Dok G Lumbad sa kanyang mga nasasakupan sa Quezon City.

Kabilang sa mga inikot niya ay ang Brgy. Masagana, Quirino 2C at Dioquino Zobel.

Namigay rin ng pamasko at gamot si Dok G sa mga residente ng Brgy. East Kamias at Quirino 3A.

“Maraming salamat po sa lahat ng nag-claim ng aming regalo gamit ang bagong DOK G Card. Thank you din po kay Kap. Bing Garces at Kap. ­Bimbo Dela Cruz,” sabi ni Dok G.

Nagdaos naman ng BPSO & Fire Volunteers Christmas Party ang TeamDOKG.

Ayon sa masipag na konsehala, “Para sa kanilang sipag at malasakit sa kapwa, deserved na deserved po nila ang makapag-enjoy at makapag-relax. Kaya naghanda kami ng masayang salo-salo, sayawan at pa-raffle para sa kanila.”

Walang umuwing luhaan. Lahat ay nag-uwi ng Noche Buena packs para sa kanilang pamilya.

Nagkaroon din ng kaparehong events sa Brgy. Bagumbuhay, Brgy. Quirino 2B, Brgy. Escopa 2, Brgy. Socorro, Brgy. Amihan, Brgy. Silangan, Brgy. Escopa 4, Brgy. Mangga, at iba pa.

Siyempre, nagpaulan si Dok G ng mga regalo rin para sa street sweepers at eco-aide sa hiwalay na Christmas Party, gayundin sa SK Council.

“Isang masayang kamustahan at kasiyahan ang hatid ng #TeamDOKG para sa mga Barangay Purok at Lupon ng District 3, QC,” wika ng doktora.

Aba’y hindi rin mawawala ang Christmas Party ng street leaders at maging ang tipar ng mga supportive barangay coordinators.

Ganyan talaga si Dok G.

Walang umuuwing walang regalo kapag nagdaraos siya ng mga ganyan. Kahit nga noong hindi pa konsehala ang ale ay ginagawa na niya iyan.

Kaya hindi na ako magtataka kapag napunta iyan sa mas mataas na posisyon.

Bagama’t marami na naman tayong magagaling na lingkod-bayan sa QC, aba’y kailangan ng mga kababayan natin sa lungsod ang kalibre niya sa mas mataas na katungkulan.

Una sa kanya ang interes ng kanyang nasasakupan.

Kaya kapag tumakbo raw si Dok G sa mas matas na posisyon sa hinaharap, tiyak na mananalo ang ale.

Wala ka nang hahanapin pa sa kanya dahil ‘rain or shine’ ang public service na hatid niya sa mga taga-QC. Kaya saan ka pa?

Mabuhay po kayo, Coun. Dok G, at God bless!

37

Related posts

Leave a Comment