DOKTORA HELEN TAN, NANUMPA NA BILANG GOBERNADORA NG QUEZON

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

MULING nagbunyi ang mga tagasuporta ni dating 4th District Representative Doktora Helen Tan.

Ito’y matapos manumpa ang dating kongresista bilang kauna-unahang babaeng ­gobernadora ng Quezon province.

Si Tan ay nanumpa sa tungkulin sa harap ni Supreme Court Associate Justice Joseph Lopez habang nakapatong ang kamay sa Bibliya na hawak ng mister na si Engr. Ronnel Tan.

Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Tan na tapos na ang pagwawalang bahala sa kapakanan ng maliliit sa lipunan.

Panahon na aniya ng serbisyong may kabuluhan at pakikinabangan ng lahat.

“Mula sa Distrito Kwatro at ngayon sa buong Lalawigan ng Quezon, handog natin ang Serbisyong Tunay At Natural para sa bawat tao, para sa bawat komunidad, para sa bawat sektor, para sa bawat barangay, para sa bawat bayan at siyudad patungo sa ‘Isang Malusog at Asensadong Lalawigan na Iniangat ng Maasahang Serbisyo at Makapangyarihang Mamamayan’,” sabi ni Tan.

Kilalang matulungin si Tan at talaga namang tinututukan ang kapakanan ng bawat mamamayan.

Mahalaga sa kanya ang kalusugan ng lahat at pagbibigay-serbisyo nang tapat.

Tinututukan ng goberna­dora ang edukasyon, agrikul­tura, kabuhayan, imprastraktura, kalikasan, kapaligiran o turismo at ­mabuting pamamahala sa kanilang lalawigan.

Si Doktora Tan ang nag­sulong ng “Universal Health Care Act”.

Nangako ang bagong lider na paninindigan niya ang interes ng mga taga-Quezon para sa malawak na access sa komprehensibong bahagi ng kalidad at cost-effective, promotive, preventive, curative, rehabilitative at palliative na serbisyong pangkalusugan nang hindi mabigat sa bulsa.

Nais niyang magkaroon ang lahat ng mga katulad na serbisyo na hindi naaabot ng buong populasyon.

Isusulong ni Tan ang pagpapataas ng investment sa pasilidad pang-edukasyon at marami pang iba.

Bibigyang pansin din ng lady governor ang problema sa ­sektor ng agrikultura, pagtatatag ng Local Economic Development and Investment Promotion Office, at mabilis na pagtatayo ng imprastraktura sa ilalim ng “Build, Build, Build” program.

Well, sa ganitong paraan nga naman ay mabibigyang daan ang golden age ng infrastructure at tourism development sa probinsya.

Good luck and more power po, Gov. Helen Tan!

77

Related posts

Leave a Comment