DR. MONTE TOLENTINO PINATATAKBO BILANG KAPITAN NG BRGY. SAN JOSE, ANTIPOLO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

MEDYO malawak ang trabaho ng mga barangay official lalo na ng mga tserman.

Kaya kapag sumabak ka rito, dapat handa ka. Dapat sanay ka sa public service.

Ang mga kapitan o tserman ang nagpapatupad ng mga batas at ordinansa na naaangkop sa barangay.

Handa silang maki­pagtalakayan at mangontrata para sa barangay sa ­pahintulot ng Sangguniang Barangay (SB).

Napapanatili nila ang kaayusang pampubliko. Sila rin ang tumutulong sa alkalde at sa Sangguniang ­Panglungsod (SP) sa kanilang mga tungkulin.

Nagpapatawag din sila at nangangasiwa sa mga pulong ng barangay.

Nagtatalaga rin sila at nagpapalit ng ibang mga opisyal ng barangay sa pahintulot ng nakararami sa SB.

Ang mga tserman din ang nagbubuo at ­nangunguna sa mga grupo para maaksiyunan ang anomang kalamidad.

Ganyan naman si Dr. Montero Azur Tolentino, Sangguniang Kabataang (SK) Chairman ng Brgy. San Jose, Antipolo City.

Bata pang maituturing si Tolentino pero sa totoo lang, sanay na ito sa serbisyo publiko.

Sa kabila ng kanyang pagiging young gun, hindi na bago sa kanya ang paglilingkod sa kanilang nasasakupan.

Kaya nais ng mga ­miyembro ng mga TODA o Tricycle Operators and ­Drivers’ Association sa lungsod na tumakbo siya sa mas mataas na posisyon.

Bukod sa mga TODA, na-survey rin natin ang ­ilang kabataan sa barangay at nais nilang maglingkod sa kanila si Tolentino bilang tserman.

Kung maaalala, noong nakaraang October 2022 Physician Licensure Examination ay nakapasa si Monte kaya’t ganap na siyang doktor ngayon.

Kamakailan naman, pinangunahan ni Tolentino ang oath-taking ng mga bagong opisyales ng YULA (Ynares Unified Ladies Association) sa multi-purpose covered court ng Sitio Buhanginan ng Brgy. San Jose.

Napag-alaman na layon nito na mas palakasin pa ang tinig ng kababaihan sa kanilang barangay.

Mabuhay po kayo, ­bossing, at God bless!

36

Related posts

Leave a Comment