DTI SECRETARY RAMON LOPEZ, NEWLY APPOINTED SC JUSTICE LOPEZ

ANO ba talaga DTI secretary Ramon Lopez, ekonomiya nga ba ang dahilan o dikta lamang ng ilan??

Anong mayroon sa 10-14 years old para palabasin na sila sa lansangan?

Makakatulong ba talaga sila sa ekomiya gayung wala naman silang pera upang gastusin sa kanilang paglabas?

Di ko makita ang logic ni DTI Sec Lopez sa pagpayag nito sa pagpalabas sa mga kabataan dahil makakatulong daw ito sa paglago ng ekonomiya??

Ang labo yata noon, dahil yun mismong ginagastos ng mga menor de edad ay mula din naman sa kanilang mga magulang.

Baka naman gusto nyo lang mapuno ng mga bata ang mga shopping malls kahit delikado pa sa sitwasyon ngayon?

Wala naman sanang problema yan kung wala tayong nararanasang pandemya.

oOo

Panglabing limang mahistrado ng Korte Suprema na ipinalit sa nagretirong sa AJ PRISCILLA BALTAZAR-PADILLA ay itinalaga ng Malakanyang.

Sa isang pahinang transmittal letter mula sa Malakanyang na naka address kay Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta nakasaad dito ang pagkakatalaga ni President Rodrigo Duterte kay Court of Appeals Associate Justice Hon. Jhosep Y. Lopez bilang bagong Supreme Court associate justice.

Si Justice Jhosep Lopez ay isang University of the Philippine Law graduate na nagtapos bilang cum Laude, na mayroong 84.55% sa bar exam.

Nanungkulan din ito bilang councilor ng Maynila sa apat na termino at nagawaran ng parangal bilang most outstanding Councilor noong 1992-1998 at naging chief prosecutor ng Manila Prosecutors Office at naging Associate Justice ng Court of Appeals.

Ang appointment ni Justice Lopez ay pupuno naman sa 15-member ng high court.

39

Related posts

Leave a Comment