FRANCHISE NG POWER FIRMS AT 2023 PROPOSED BUDGET

Di Ko Gets! ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST)

MAY mga lugar pa rin daw pala sa bansa na madalas nakararanas ng brownout. Mukhang may problema nga ang mga ito.

Kaya naman, panahon na raw para repasuhin ng Kongreso ang prangkisa na iginawad sa mga power company, kasama ang electric cooperatives.

Ayon kay House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, bunsod ng palagiang brownout sa buong bansa, dapat nang rebyuhin ng Kamara at Senado ang lahat ng prangkisa ng mga nagsusuplay ng kuryente.

Malabo raw na nagkataon lang na sabay-sabay ang brownout na kapwa pumutok o nag-trip na breaker ang dahilan. Ilan sa ‘special mention’ ng kongresista ay ang Peninsula Electric Cooperative (Penelco) ng Bataan, Palawan Electric Cooperative (Paleco), at Davao Oriental Electric Cooperative (Doreco) sa Davao Oriental.

Well, nakadududa nga naman daw ito.

Samantala, lusot na pala sa Senate Committee on Finance ang panukalang pondo ng Presidential Communications Office (PCO) para sa susunod na taon.

Aba’y tinatayang P1.921 bilyon ang hinihiling na pondo ng ahensya para maipagpatuloy ang kanilang operasyon.

Kung hindi ako nagkakamali, nangyari ito matapos i-endorso ang pondo sa plenaryo.

Sa kanyang pagdepensa sa pondo ng PCO, sinabi naman ni Secretary Cheloy Garafil na tututukan nila ang kampanya laban sa paglaganap ng fake news kaya’t inilunsad ang media information & literacy campaign.

Tinatayang 96.60% daw ang na-disburse sa 2023 financial performance ng ahensya. May dalawa pang proyekto pala na kasalukuyang itinatayo ang PCO, ayon kay Garafil, kabilang ang Visayas Media Hub at ang isa pa sa Bukidnon sa Mindanao.

Kung hindi ako nagkakamali, naantala lang daw ang implementasyon ng mga proyekto dahil sa problema sa weather at soil erosion.

Good luck and more power po, mga bossing!

97

Related posts

Leave a Comment