HINDI katanggap-tanggap sa mga taga-Eastern Samar ang ginawang pag-ambush ng mga rebelde/teroristang New People’s Army (NPA) sa mga kagawad ng Phi-lippine National Police (PNP) sa Borongan City na pati mga sibilyan ay dinamay noong Biyernes.
Isang pulis ang patay at 14 na iba pa ang sugatan.
Nakilala ang napatay na si Patrolman Mark Jerome Rama, sugatan naman sina Patrolman Capoquian, Patrolman Operario, Patrolman Luterte at Patrolman Sobrepena habang hindi naman nasaktan sina Patrolman Godino at Patrolman Pajanustan.
Batay sa natanggap na info ng Puna mula sa mga taga-Eastern Samar naganap ang pananam-bang ng mga rebelde/teroristang NPA sa mga pulis bandang alas-2:30 ng hapon ng ‘Friday the 13th’ sa Brgy. Libuton na bulubunduking area ng Borongan City.
Pinaulanan ng mga bala ng baril ng rebeldeng/teroristang NPA ang mga pulis habang binabagtas ang lugar na nakasakay sa kanilang mobile car, at isang tricycle na may mga pasahero na patungong San Julian, Eastern Samar.
Dahil dito ay maraming sibilyan ang na-damay at humandusay sa kalsada.
Tama lang ang ginawa sa inyo ng Amerika na ideklara kayong mga te-rorista dahil ang inyong gawain ay walang kaibahan sa ginagawa ng ISIS.
Isa-isahin po natin ang gawain ng mga NPA sa kanayunan. Sapilitang kinukuha nila ang kanilang magustuhan sa mga kawawang magsasaka, mangikil ng pera at iba pang ari-arian ng mga ordinaryong mamamayan.
‘Pag hindi nagbigay tatakutin nilang papatayin at sila rin ang pumipigil sa pagkakaroon ng ‘farm to market road’ ng gob-yerno.
Kasi nga naman pag maayos na ang kalsada ay mapapasok na ng mga sasakyan ng mga awtoridad ang remote barangays na kinaroroonan nila.
Sila kasi ang hari sa mga lugar na ‘yan, kaya ayaw nilang mapasok ng mga awtoridad.
Kaya kayong mga NPA ay unti-unti kayong mawawalan ng puwang sa Kanayunan dahil sa mga pahirap n’yo sa mga sibilyan lalo na ngayon na malakas ang social media.
‘Yung mga pangu-ngumbinsi n’yo dati ay hindi na uubra ngayon, dahil nagising na ang mga tao kung ano ang mga pinaggagawa n’yo.
Mismong ang mga gawain n’yo ang magpapabagsak sa inyo.
Tanong tuloy, ano ang nagawa n’yong mabuti para sa mga ordinaryong Pinoy?
Abangan na lang po natin kung anong magiging aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kanila.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com//operarioj45@gmail.com (Puna / JOEL O. AMONGO)
227