FULL SCHOLARSHIP PROGRAM NI GOV. HELEN TAN

TARGET NI KA REX CAYANONG

TULOY-TULOY ang HEALING Agenda ni Gov. Helen Tan ng lalawigan ng Quezon.

Ang HEALING ay kumakatawan sa Health, Education, Agriculture, Livelihood, Infrastructure Development, Nature/Environment/Tourism at Good Governance.

Isinusulong ito sa pamamagitan ng Serbisyong Tunay at Natural.

Wala namang tigil ang libreng screening at chest x-ray para sa mga nasasakupan ng gobernadora.

Kahapon, Agosto 15, 2023 (Martes), isinagawa ito mula 8:00 ng umaga sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga taga-lalawigan na 15 taong gulang pataas tulad ng mga drivers ng jeepney, tricycle, at iba pa.

Prayoridad din ang mga kasama sa bahay na may sakit na TB, dating may sakit na TB, naninigarilyo at gumagamit ng vape, at may sakit na diabetes.

Samantala, bukas na rin para sa aplikasyon ang 1 Poor Family, 1 College Graduate Full Scholarship Program ng pamahalaang panlalawigan para sa mga kabataan mula sa pinakamahihirap na pamilyang nagnanais makapagtapos ng kolehiyo.

Ayon sa Quezon provincial government, ang mga mag-aaral na nais maging iskolar ay kinakailangang isang Pilipino, taga-Quezon, nagmula sa mahirap na pamilya (indigent), nakapagtapos ng sekondarya (senior high school) at wala pa ni isa sa kanyang pamilya ang nakapagtapos ng kolehiyo.

Kasama rin sa mga bibigyang prayoridad ang mga mula sa geographically isolated and disadvantaged areas o mula sa mga pinakamahihirap na pamilya (poorest of the poor).

Maaaring i-download ang application form na ang link ay nasa FB Page ni Gov. Tan at website ng pamahalaang panlalawigan, kalakip ang Letter of Intent, at alin man sa mga sumusunod: Certified

Copy ng Birth Certificate mula sa Civil Registrar; PSA Birth Certificate; o Photocopy ng PhilSys ID (ipakita ang orihinal na ID sa registration); Certified Photocopy ng DepEd School Form 9 o

Learner’s Progress Report Card (Signed and Sealed by School Principal); at Social Case Study mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Nabatid na maaaring isumite ang mga dokumentong ito sa pinakamalapit na Provincial Government Satellite Office sa inyong lugar o sa Scholarship Office ng Tanggapan ng Punong Lalawigan sa

Governor’s Mansion, Quezon Capitol Compound, Brgy. 10, lungsod ng Lucena.

Ayon kay Gov. Tan, “tatanggapin lamang ang aplikasyon hanggang ika-1 ng Setyembre 2023. Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag sa (042) 785 0281 o 0998-548-5607.”
Mabuhay po kayo at God bless!

465

Related posts

Leave a Comment