HB 9720 AT HB 9713 NI CONG. PANALIGAN, PASADO NA SA KAMARA

BALYADOR ni RONALD BULA

SA botong 197 na pabor at walang pagtutol, naipasa na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa (Third and Final Reading) ang House Bill 9720, ang unang panukalang batas na inihain ni Oriental Mindoro 1st District Congressman Arnan C. Panaligan sa Kongreso.

Ang House Bill na ito ay naglalayong gawin ang kasalukuyang Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) bilang MIMAROPA Regional Hospital sa ilalim ng pangangasiwa ng DOH.

Inaasahan na bilang isang DOH hospital ay magkakaroon nang maayos na serbisyo at madadagdagan ang bilang ng mga empleyado tulad ng mga doctor at iba pang health workers.

Ang panukalang batas na House Bill (HB) 9720 o ‘An Act upgrading the Oriental Mindoro Provincial Hospital in the Calapan City, province of Oriental Mindoro into a MIMAROPA Regional Hospital and appropriating, at House Bill (HB) 9713, nagmumungkahi ng Philippine Self-Reliant Defense Posture Program, ay parehong inaprubahan sa regular na sesyon ng Kamara noong Enero 24 at iaakyat sa Senado bago isumite sa Tanggapan ng Pangulo para sa pinal na pag-apruba.

Sinabi rin ni Panaligan na nakakuha ang HB 9720 ng 197 affirmative votes na walang abstention at walang negative votes, habang nakakuha naman ang HB 9713 ng 194 votes na may tatlong negative votes at walang abstention.

“Dahil mayroon nang counterpart bills sa Senado para sa HB No. 9713 na inakda ni Senate President Juan Miguel Zubiri, at HB No. 9720 na inihain ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, inaasahan namin ang mabilis na pagpasa ng dalawang panukalang batas bilang mga batas,” sabi ni Panaligan.

Idinagdag ni Panaligan na kapag nailipat na ang operasyon ng OMPH sa DOH, gaganda ang mga serbisyo sa pasilidad, at maa-upgrade ang mga serbisyo. Ang panukalang batas ay naglalayon ding maghanap ng karagdagang mga doktor at health workers.

Mabuhay ka, Congressman Panaligan Sir, at keep up the good work!

@@@

Para sa suhestiyon at reaksyon, tumawag sa 09397177977 / 09368625001 o ‘di kaya mag-email sa balyador69@gmail.com

41

Related posts

Leave a Comment