IBA’T IBANG PROYEKTO NI MAYOR RJ MEA AT HIRIT NI CONG. ERWIN TULFO SA KONGRESO!

TARGET NI KA REX CAYANONG

KALIWA’T kanan ang mga proyekto ni Mayor RJ Mea ng Tiaong, Quezon.

Aba’y patunay ito ng taal niyang malasakit at pagmamahal sa kanyang bayan.

Kamakailan nga, binuksan sa publiko ang bago at modernong birthing home o paanakan sa Tiaong.

Sa panayam ng inyong lingkod sa programang ‘TARGET ON AIR’ sa DZME 1530, sinabi ni Mea na ang lying-in clinic na ito ay fully air-conditioned at DOH-licensed birthing facility.

Aniya, inaasahang magiging PhilHealth-accredited na rin ito.

Ang pasilidad, ayon kay Mea, ay bukas 24/7 at maaaring magpaanak kahit normal o low-risk pregnancies.

Sabi ng masipag na alkalde, ang lying-in clinic ay nagbibigay rin ng maternal care services, essential newborn care services, newborn screening for metabolic disorders at newborn hearing screening.

Paliwanag ni Mea, layon ng pagpapatayo ng pasilidad na maiwasan ang panganganak sa bahay at mapataas pa ang facility-based delivery sa Tiaong.

Siyempre, nais niya ring maprotektahan ang mga buntis laban sa banta ng mga komplikasyong dala ng pagbubuntis at panganganak.

Samantala, hinimok nga pala ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo ang Kongreso na tingnan ang existing operations manual ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos matuklasan sa congressional hearing na ang ilang inmates sa loob ng maximum security compound ay patuloy na nagtatamasa ng sobra-sobrang pribilehiyo.

Una rito, naghain na rin si Tulfo ng House Resolution No. 1136 kamakailan kung saan inihihirit niya ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa napaulat na pagkawala ng isang preso at pagkakadiskubre sa isang mass graves sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP).

Isiniwalat din ng mambabatas ang nagpapatuloy aniyang operasyon ng organized crime o criminal elements sa loob ng national penitentiary.

Sa isinagawang pagdinig nga ng Committee on Public Order and Safety, kinuwestiyon ni Tulfo ang BuCor officials na pinangunahan ni dating AFP Chief of Staff, Gen. Gregorio Catapang, Jr., Director General ng BuCor, kung bakit pinapayagan nila ang special privileges sa mga bilanggo, kabilang ang pag-order ng pagkain sa labas ng piitan at sobrang visiting hours privilege.

Maaalalang ipinanawagan din ni Tulfo sa Kamara ang pagsisiyasat sa NBP para makabuo ng batas na tutuldok sa matagal nang problema sa loob ng jail facilities.

Mabuhay po, bossing, at God bless!

95

Related posts

Leave a Comment