ICC PROBE VS. WAR ON DRUGS PAGSASAYANG NG ORAS AT PONDO

TARGET NI KA REX CAYANONG

TULOY ang panghihimasok ng International Criminal Court (ICC) sa justice system ng Pilipinas.

Pinag-iinitan nito ang war on drugs campaign ng dating administrasyon.

Ngunit muling binigyang-diin ng Department of Justice (DOJ) na hindi kailangan ng ICC na makialam dito.

Sabi nga ni DOJ Spokesperson Attorney Mico Clavano, pinoprotektahan lamang ng justice department ang sovereignty rights ng bansa.

Karamihan sa mga nasyon ay kailangan ang ICC dahil may mga bansang hindi naipatutupad ang mga batas.

Siyempre, makakaasa naman ang taumbayan na gagampanan ng DOJ ang kanilang mandato na magkaroon ng imbestigasyon ukol sa giyera kontra droga.

“What we’re trying to say is we are doing a genuine investigation on the killings from 2016 up to 2019 or even up to the end, 2022. If there’s a working justice system then the ICC cannot come in, and supplant or substitute our working justice system with their own dahil gumagana naman,” wika ni Clavano.

Hindi naman dapat manghimasok ang ICC rito.

Aba’y buhay at gumagana pa naman ang ating justice system at gobyerno.

“So in international law, when that happens, they can only complement iyong ating investigation, and they cannot substitute,” sabi ni Clavano.

Ayon kay Clavano, kung titingnan ang kasaysayan, lahat ng mga bansang inimbestigahan ng ICC ay ang African countries tulad ng Uganda, Congo, Sudan at iba pa na pilay ang sistemang panghustisya at may nangyayaring civil war.

Bagama’t hindi perpekto, nagtatrabaho naman ang ating mga lingkod bayan at lahat ng haligi ng gobyerno.

Sa kabilang banda, aba’y hindi kailanman haharap si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga banyagang hukom dahil malaking insulto raw ito sa mga hukom sa bansa.

Pahayag ito ni ex-PRRD matapos magdesisyon ang ICC na ituloy ang preliminary investigation sa usapin.

Mismong si Atty. Harry Roque, dating presidential spokesman ng Duterte administration, ang nagsabi na nanindigan ang dating Pangulo na hindi niya papayagang mga dayuhan ang lilitis sa kanya sa bintang na extra-judicial killings.

Handa naman daw si Duterte na humarap sa alinmang lokal na korte sa bansa.

Tama nga naman si Roque, pagsasayang lamang ng salapi at panahon ang aksiyon ng ICC.

Kaya nga, sa halip na pag-initan ng ICC ang Pilipinas, dapat tutukan na lang ng international court ang war crimes sa Ukraine at iba pang bansa sa Africa.

36

Related posts

Leave a Comment