INA AT TIYAHIN NG BABAENG BIKTIMA NG KRIMEN SA LAS PIÑAS CITY, LUMAPIT SA AMIN

RAPIDO NI TULFO

LUMAPIT sa aming programa ang ina at tiyahin ng babaeng nakitang wala nang buhay, noong Enero sa loob ng isang kotse sa Las Piñas city.

Ayon sa ina ng biktima na kinilala ng mga pulis na si Jennifer Mendoza, 29-anyos at residente ng Balagtas, St., Tondo Manila, nakatanggap sila ng tawag mula sa mga awtoridad, mga alas-dose ng tanghali kahapon, at sinabing nasa morgue na ang labi ng kanyang anak.

Umiiyak na isinalaysay nito sa aming programa sa DZME 1530khz, na nagpaalam daw sa kanya ang anak noong gabi na may pupuntahan lang, bago natagpuan ang labi nito sa loob ng isang abandonadong Mazda sedan na may plate number ATA-9782.

Ayon sa ulat ng Las Piñas City Police, natagpuan ang abandonadong sasakyan sa harap Villar Sipag Complex sa C5 Road, Brgy. Zapote, nasa passenger seat ang katawan biktima na may isang tama ng bala sa ulo na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Sinabi ng ina ng biktima na tanging cellphone lang at perang laman ng wallet ang nawawala sa mga gamit ng anak. Hindi raw lubos na maisip nito kung sino ang gagawa ng karumal-dumal na krimen sa anak gayong wala naman silang alam na kaaway nito, naulila raw ang dalawang anak ni Jennifer sa pagkawala nito.

Dagdag pa nila, hindi sumasakay sa harap ng kotse ang biktima at laging sa likod kaya ang teorya nila ay maaaring kilala nito ang driver ng sasakyan.

Sa pinakahuling ulat ng PNP Las Piñas, tinitingnan nila ang mga anggulong holdap at love triangle sa pagkamatay ng biktima.

Sa pinakabagong update na ibinahagi nila sa programa, nahanap na raw ang kasalukuyang may-ari ng sasakyan at sinabi nito sa mga imbestigador na itinakas ng kanyang kapatid ang kotse noong Disyembre at hindi pa raw ito bumabalik sa kanilang bahay. Ito ngayon ang pinaghahanap ng kapulisan at itinuturing na person of interest sa krimen.

Nangako kaming susubaybayan ang isinasagawang imbestigasyon Las Piñas PNP at amin ding ire-refer kay Sen. Raffy Tulfo ang mga ito upang matulungan sa gastusin sa pagpapalibing sa labi ni Jennifer.

339

Related posts

Leave a Comment