INAGURASYON NI PBBM

INAASAHAN na ng Local ­Government Units (LGUs) at iba pang opisina ng ­gobyerno na nasa ilalim ng Department of the Interior and Local ­Government (DILG) na ­magiging maganda ang takbo nito sa pamumuno ni Incoming DILG Secretary Benhur Abalos.

Hindi matatawaran ang kara­nasan ni Abalos na kanyang magiging baon para harapin ang bagong hamon bilang kalihim ng DILG.

Mula sa pagiging dating mayor ng Mandaluyong City, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman at maraming iba pang posisyon, ay naging campaign manager siya ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

nitong nakaraang May 9, 2022 national and local elections.

Lahat ng mga pinanggalingan ni Abalos ay pawang magaganda ang kanyang nagawa.

Tulad ng iba pang napiling cabinet members ni PBBM ay inaasahan na magiging maganda ang resulta ng 100 days ng ­administrasyon ng batang Marcos.

Ngayong Hunyo 30, 2022 ay magaganap na ang inagurasyon ni PBBM sa National Museum malapit sa Manila City Hall.

Si PBBM ang ika-17 Pang­ulo ng bansa. Magiging ­maka­say-sayan ang okasyon na ito dahil kauna-unahan sa ­kasaysayan ng pulitika ng Pilipinas makalipas ang ‘EDSA’ na isang “Majority President” ang magkakaroon ng inagurasyon sa lugar na ito.

Nakapagtala ng 31 milyong boto si PBBM at may kalamangan siyang 16 milyong boto laban sa kanyang katunggali na si Leni Robredo na may 15 milyong boto lamang.

Dito ipinakita ng mga Pilipino na gusto nila ang platapormang panawagan ni PBBM na pagkakaisa (unity).

Kaya naniniwala ang 31 ­milyong bumoto kay PBBM na sa pamamagitan ng pagkakaisa ay makababangon ang bansa mula sa dinanas nating pandemya.
Tulad ng ipinahayag ni PBBM kamakailan na gusto niyang magkaroon ng P20 kada kilo na bigas.

Ang pahayag na ito ni PBBM ay sinang-ayunan ng ilang opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) na sinabing pwedeng magkaroon ng P20 kada kilo ng bigas sa first quarter ng administrasyon ng batang Marcos.

Maraming mga kilalang negosyante rin ang pumuri sa bagong economic team ng administrasyon Marcos.

Ang kanilang grupo na tinawag na “A-team” ay kinabibilangan ni Arsenio Balisacan sa National Economic and Development Authority (NEDA); si outgoing Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Ben Diokno ay nominadong finance secretary; si Felipe Medalla naman ang papalit kay Diokno bilang BSP governor; tinanggap naman ni Alfredo Pascual ang alok bilang kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI).

Nariyan pa ang kilala nating mga bagong kalihim ni PBBM na pawang dati nating naging mga kasama bilang media na sina Erwin Tulfo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at PCOO Sec. Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Sina Atty. Cruz-Angeles ay galing sa radyo DWIZ na sister company naman ng Pilipino Mirror na pinanggalingan kong newspaper, at si Tulfo ay naging kasama ko dati sa pahayagang Remate.

Good luck mga bossing!

After June 30, 2022 simula na ng trabaho para sa mga Pilipino.

Ika nga ni PBBM, SAMA-SAMA TAYONG BABANGON MULI!

oOo

Para sa suhestiyon at ­reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.

89

Related posts

Leave a Comment