KA LEODY DE GUZMAN TINAWAG NA MAKASARILI ANG MGA DUTERTE

RAPIDO ni PATRICK TULFO

TINAWAG ni labor leader Ka Leody De Guzman na self-serving o sila lang ang makikinabang sa panawagan ni Davao City Mayor Baste Duterte na magbitiw na sa pwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa labor leader, “Hindi pagmamahal sa bayan ang pinagmumulan ni Mayor Baste Duterte sa kanyang panawagan kay BBM kundi pag-ibig sa kapangyarihan”. Dahil kung bababa raw sa pwesto si BBM, ang magiging kapalit nito ay walang iba kundi si VP Sara Duterte.

Ang panawagan ay ginawa ni Mayor Baste noong nakaraang January 28 sa isang rally na ginanap sa Davao City.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Imee Marcos na humingi na ng paumanhin ang Davao City mayor sa kanya ukol sa mga nasabi nito laban sa kanyang kapatid. Hindi lang daw isang beses kundi paulit -ulit na humingi ito ng tawad.

Mayroong tensiyon ngayon sa pagitan nina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Pangulong Bongbong Marcos dahil sa maaanghang na sinabi ng dating presidente laban kay PBBM, nito lang nakaraang mga araw.

Sinabi naman ni PBBM na nananatiling matatag ang kanilang samahan ni Sara Duterte kahit pa binabatikos ito ng dating Pangulo na ama ng Bise Presidente.

Inakusahan ni dating Pangulong Duterte na gumagamit daw ng ilegal droga si PBBM. Nanatili namang tahimik ang Malacañang ukol dito.

Itinanggi naman ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na nasa listahan nila dati si PBBM taliwas sa sinabi ni dating Pangulong Duterte.

Nauna ko nang sinabi dito na baka bumalik kay PRRD ang kanyang mga alegasyon.

Sinabi rin ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na wala sa listahan ng PNP si PBBM.

Nagmumukhang tanga tuloy ang dating Pangulo dahil dito.

55

Related posts

Leave a Comment