KAMAY NA BAKAL DAPAT LANG PAIRALIN SA BANSA!

PRO HAC VICE

Sobra na ang kawalang disiplina ng mga Pinoy partikular na rito sa National Capital Region na kung hahayaan na lang ay magiging malaking suliranin sa hinaharap.

Simpleng batas trapiko hindi kayang sundin, kaliwa’t kanang pagtatapon ng basura, paninigarilyo sa mga pampublikong lugar na nangunguna pa ang mga taong gobyerno, kahit mga alagang hayop pinababayaan na pakalat-kalat sa kalye at maraming iba pa.

Mga politiko na suwapang o sugapa sa kapangyarihan, na wala na ngang nagagawa para sa ating mga kababayan ay puro pa kabulastugan ang ginagawa!

Pulis na mga abusado na siyang dapat huwaran sa pagsunod sa batas pero sila pa ang nangunguna sa kawalanghiyaan na kahit nakauniporme nagmamaneho ng motorsiklo na wala na ngang helmet binabastos pa ang batas trapiko na kahit naka-stop ang traffic light tumutuloy lang!

Ganoon din ang ilang opisyal ng pamahalaan na ginagamit ang mga service vehicle ng kanilang ahensya para sa kanilang mga personal na kabulastugan!

Sobra na sa demokrasya ang Pilipinas na ina­abuso ng karamihan kaya lumalabas tuloy na anarchy o kanya-kanya na lang, survival of the fittest baga? Matira ang matibay!

Kaya nang sabihin ni Pangulong Mayor Digong na plano niyang isuspendi ang prebilehiyo ng writ of habeas corpus para maisaayos ang disiplina at kaayusan ng bansa ay go! go! go!

Ang ayaw lang namang madisiplina ay ang mga taong kriminal at mga bugok nang lipunan! (Pro Hac Vice / BERT MOZO)

166

Related posts

Leave a Comment