KAPABAYAAN O KABUHAYAN?

MATAPOS ihayag ng gobyerno ang pagtatapos ng banta ng pandemya, biglang naglabas ng datos ang mga matematiko sa likod ng OCTA Research Group.

Ayon sa OCTA, nananatiling banta ang COVID-19,batay sa kanilang pagtataya.

Sa pinakahuling datos ng OCTA Research Group, pumalo sa 6.5% ang COVID-19 positivity rate (antas ng mga kumpirmadong positibo mula sa hanay ng mga sumailalim sa pagsusuri) sa National Capital Region (NCR) noong nakalipas na Linggo.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nakababahala ang ang naitalang positivity rate sa NCR kung saan aniya nakita ang mabilis na pagdami ng mga tinamaan ng nakamamatay na sakit.

Katunayan aniya, mula sa 4.4% na naitala noong Abril 1, humataw sa 6.5% ang positivity rate noong Abril 8 ng kasalukuyang taon.

Bukod sa NCR, pasok din sa talaan ng mga lugar kung saan nakapagtala ng higit pa sa 5% positivity rate benchmark na itinakda ng World Health Organization (WHO), ang Benguet, Camarines Sur, Cavite, Cebu, Davao del Sur, Isabela, Misamis Oriental, Negros Occidental, Palawan, Rizal at South Cotabato.

Sa tuwing tumataas ang banta ng pandemya, palaging kasunod ang pangangailangan ng perang pambili ng bivalent vaccines kontra COVID-19.

Gayunpaman, kampante si DOH OIC Rosario Vergeire na walang dapat ikabahala ang publiko lalo pa aniya’t maluwag naman ang mga pagamutan.

Susmaryosep! Ang galing ‘di ba?

108

Related posts

Leave a Comment