KAPAKANAN NG MAMAMAYAN PRAYORIDAD NI AKO BISAYA PARTY-LIST REP. SONNY LAGON

TARGET NI KA REX CAYANONG

ANG kamakailang pamamahagi ng tulong pinansyal at kagamitan ng Ako Bisaya Party-list sa mga residente ng Cordova, Cebu at TESDA scholars sa Cebu City ay patunay ng malalim na malasakit at dedikasyon ng mga kinatawan ng ating pamahalaan sa kapakanan ng mamamayan.

Sa pangunguna ni Congressman Sonny “SL” Lagon ng Ako Bisaya Party-list at Congresswoman Daphne Lagon ng ika-6 na distrito ng Cebu, ang 660 motorkad drivers sa Cordova ay nakatanggap ng tig-P3,000 bawat isa sa ilalim ng programang “Ayuda para sa Kapos ang Kita Program” (AKAP).

Ang AKAP na ito ay inisyatiba ng pamahalaan sa ilalim ng pamumuno nina Pangulong Bongbong Marcos, Speaker Martin Romualdez, at DSWD Secretary Rex Gatchalian. Layunin ng programang ito na tugunan ang pangangailangan ng mga “near poor” na sektor ng lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng agarang tulong pinansyal.

Ang distribusyon ng tulong sa Cordova ay dinaluhan din ni Mayor Didoy Suan, na nagpapakita ng matibay na kooperasyon sa pagitan ng pambansa at lokal na pamahalaan. Ang ganitong uri ng kolaborasyon ay mahalaga upang masiguro ang epektibong pagpapatupad ng mga programa na naglalayong iahon ang mga kababayan nating nangangailangan.

Samantala, ang pamamahagi ng welding kits sa TESDA scholars mula sa Cebu City ay isang napapanahong hakbang upang bigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang mga kasanayan at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Sa pamamagitan ng “Training for Work Scholarship Program (TWSP)” na isinakatuparan sa tulong ng Ako Bisaya Party-list, Saint James Academy of Skills Technology Inc, at TESDA, 33 benepisyaryo mula sa Shielded Metal Arc Welding NC II ang tumanggap ng kanilang welding kits matapos makapagtapos ng programa.

Ayon kay Congressman Lagon, bawat kit na naipamahagi ay isang hakbang tungo sa paglinang ng kakayahan ng ating scholars. Ang pagkakaroon ng kinakailangang mga kagamitan ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na kumita, sundan ang kanilang mga adhikain, at mag-ambag sa kanilang komunidad.

Sa kabuuan, ang mga inisyatibong ito ay hindi lamang nagpapakita ng malasakit sa mamamayan kundi pati na rin ng responsibilidad ng pamahalaan na tiyakin ang kapakanan ng bawat Pilipino, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.

Samantala, ang mataas na grado na 87.3% na nakuha ni Congressman Lagon bilang top performing party-list sa bansa, ay nagpapatunay na ang Ako Bisaya Party-list ay patuloy na naglilingkod nang tapat at epektibo para sa ikabubuti ng nakararami.

Kaya patuloy nating maaasahan ang pamahalaan at ang mga lider nito na gumawa ng mga programa at proyekto na tunay na makapagpapa-angat sa buhay ng bawat Pilipino tulad ng ginagawa ng Ako Bisaya.

Ang kanilang patuloy na pagsisikap ay isang inspirasyon na dapat tularan ng iba pang mga lider at partido sa bansa.

47

Related posts

Leave a Comment