PHILIPPINE NAVY SASABAK SA RIMPAC 2024 SA HAWAII

NAKATAKDANG i-deploy ng Philippine Navy ang kanilang lead landing dock para sa isasagawang ika-29 na biennial Rim of the Pacific (RIMPAC) exercises na nakatakdang ganapin mula Hunyo 26 hanggang Agosto 2 sa Hawaii.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson, Commander John Percie Alcos kahapon, gaganapin ang send-off ceremony para sa kanilang lead landing dock sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales sa Hunyo 2, 2024.

Inihayag pa ni Cdr. Alcos na kabilang ang Pilipinas sa 29 bansa na sasabak sa maramihang naval exercises.

“It is really important because all of the countries under the US alliance will be joining the RIMPAC,” ani Alcos.

“It is one of the biggest, if not the largest, naval exercises in the world, so we have to be there,” dagdag pa ng tagapagsalita.

Sa inisyal na programang nasilip ng media, humigit kumulang sa 40 surface ships, 3 submarines, 14 national land forces, at 150 aircraft ang magpapartisipa sa nasabing maritime exercises.

Bukod pa rito ang 25,000 personnel mula sa mga bansa na nagpahayag ng kanilang intensyon na magpartisipa sa massive naval exercises na nagsimula noong taong 1971.

Bukod sa Pilipinas, kasali rin sa gaganaping RIMPAC 2024 ang puwersa ng Australia, Belgium, Brazil, Brunei, Canada, Chile, Colombia, Denmark, Ecuador, France, Germany, India, Indonesia, Israel, Italy, Japan, Malaysia, Mexico, Netherlands, New Zealand, Peru, Singapore, South Korea, Sri Lanka, Thailand, Tonga, United Kingdom, at US. (JESSE KABEL RUIZ)

103

Related posts

Leave a Comment