KAPAMILYA NETWORK, BAKIT NAGKAGANOON?

PRO HAC VICE

NAKAPANGHIHINAYANG na ang isang hinahangaan mong media outfit na akala mo ay totoong nagseserbisyo sa bayan na tapat at sumusunod sa itinatadhana ng ating Saligang Batas ay mayroon palang itinatagong lihim na paglabag dahil sa pagiging isang dayuhan nito.

At kahit mga politiko na matagal nang nagtatago dahil sa takot na mahawaan ng coronavirus disease 2019 ay naglutangan at umepal pa bukod pa sa  mayroong nagsasabi na kakausapin si Pangulong Rodrigo Duterte upang mabawi ang inisyung cease and desists order (CDO) ng National Telecommunication Commissions (NTC) laban sa ABS-CBN. Bakit hindi man lang nag-isip o nag-imbestiga ang mga ito bago nagputakan kaugnay sa naging aksyon ng NTC?

Hayan lumabas ang katotohanang mayroong palang malinaw na paglabag ang nagmamay-ari ng inyong ipinagtatanggol na ABS-CBN, at hindi lang basta paglabag kundi paglabag mismo sa ating Saligang Batas!

Pagkatapos puro kayo paratang ng kung ano-ano sa ating pamahalaan!

Sige hinahamon ko kayong mga politikong   naglutangan sa pagpapasara sa Kapamilya network na ipagtanggol ninyo ang Amerikanong may-ari ng ABS-CBN at pabulaanan ang lumabas na katotohanang ito tapos ipagsigawan ninyo na mali ang naging aksyon ng NTC.

Kapag papogi lutangan kaagad kayo pero sa pagtulong sa ating mamamayan na nahaharap sa matinding digmaan pawang nawawala kayo!

Mayroon pang nagsasabing mambabatas na kailangang i-abolish o lusawin na raw ang NTC dahil hindi sila pinakinggan!

Labo ninyo talaga! Paano kayo susundin ng NTC? Malinaw ang isinasaad ng batas at kahit mga dating justices ng Supreme Court ay nagpahayag na hindi maaring magbigay ng provisional authority o pansamantalang karapatan ang NTC sa isang franchise kapag expired na ang prangkisa nito. Tanging kongreso lang ang maaring umakto sa anumang renewal at pagkakaloob ng prangkisa.

Sana man lang bago kayo nag-ngangawa inalam ninyo o nag-imbestiga man lang kayo, at inalam ang katotohanan kung bakit nga ba na sa pamahalaang Aquino pa pala nakahain ang renewal ng kanilang prangkisa ay hindi ito ma-renew-renew.

Ayan lumabas ang katotohanan na mayroon palang paglabag dahil amerikano pala yung tumatayong may-ari ng Kapamilya network.

Kaya kahit ang kasangga nilang si dating Pangulong Noynoy Aquino at Speaker Sonny Belmonte ay ayaw makialam sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN dahil sa may paglabag pala ito sa isinasaad ng 1987 constitution kaugnay ng pagmamay-ari ng isang media outfit sa bansa.

Kaya sa ating mga kasamahan sa Kapamilya network, wala po kayong dapat ikalumbay dahil wala naman kayong kasalanan sa nagawang paglabag ng inyong employer.

Biktima lang din kayo nang maituturing na maling situwasyon kaya nakapagbitiw kayo ng masasamang kataga laban sa pamahalaan.

Kaya ang baton ngayon  ay nasa Korte Suprema upang resolbahin na nila ang isyu, ito’y upang siyang magiging giya na rin ng Kongreso sa kanilang pag-akto sa kahilingang renewal sa prangkisa ng ABS-CBN.

Kailangan kasing isang malinaw na batayan ng ating Konstitusyon kaugnay sa pagkakaroon ng prangkisa o sa mga napagkalooban na, kung sila ba’y nararapat pang mapagkalooban ng renewal kung itoy mayroong nagawang paglabag sa itinatadhana ng ating Saligang Batas? O kailangan nilang magre-apply alinsunod na rin sa iniutos ng ating Saligang Batas.

Kagaya sa kaso ng may-ari ng ABS -CBN na malinaw na nagkaroon  o nakagawa ng paglabag sa  isinasaad ng 1987 Constitution dahil sa pagiging isang Amerikano o pagiging dayuhan nito.

78

Related posts

Leave a Comment