LAGLAGAN NA SA MARIKINA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO

MAINIT na ang pulitika sa Pilipinas. Sabi nga, nakaka-excite at ngayong papalapit na ang paghahain ng certificate of candidacy ay lalong iinit ang exciting part.

Eto na. May balitang nagkakalaglagan at umiinit na ang pulitika sa Marikina City.

Ayon sa ating insider, isa raw sa mga unang nanlaglag ay itong si Kat Pimentel, asawa ni Senador Koko Pimentel.

Halos hindi kilala as in hindi sikat si Kat sa Marikina bago siya dumikit sa mga Teodoro. Para makilala? Bulong ng ating insider, nakiusap daw si Kat sa mga Teodoro na makapasok at magkaroon ng puwesto sa Marikina.

Dumikit na nga at palagi nang kasama sa mga okasyon at aktibidad ng lungsod. Kaso, iba ang nangyari. Bigla na lang daw nilaglag ni Kat ang mga Teodoro, at dinaan sa text ang pagkalas.

Hindi nakipag-usap nang maayos kumbaga para kumawala.

Duda nga ang nagbulong sa atin na ito talaga ang plano ni Kat at naghagilap lang ng rason para tumiwalag.

Ang masahol, pinapalabas ng mga supporter niya na sila ang nilaglag. Grabe! Sabagay, nakayayanig pa ba ang ganitong isyu sa pulitika. Di ba ganito rin ang ginawa ni Koko, na dumikit kay Duterte.

Sa tulong ni Digong ay naluklok si Koko bilang Senate President pero nang mawala na sa poder si Duterte ay agad na kumalas si Koko at nagkunyaring minority umano sa Senado.

Pero natalupan at lumabas ang tunay na balat ni Koko nang italaga ni PBBM si Kat bilang Special Envoy to the United Arab Emirates para sa Trade and Investments.
Oposisyon ba ang kasangga ng administrasyon?

Sa pulitika, para lumaki ang poder at humaba ang career ay kailangan daw kumapit sa gamitan, na susundan ng laglagan.

181

Related posts

Leave a Comment