LIBONG MGA BULAKENYO LUMAHOK SA ‘TAKBO PARA SA KALIKASAN 2’

HAGUPIT NI BATUIGAS

Libu-libong mga Bulakenyo ang nakibahagi para sa “Takbo Para Sa Kalikasan 2” upang ipakita ang kanilang suporta sa pag-rehabilitate ng Manila Bay.

Ang okasyon ay pinangunahan ni Gover­nor Daniel Fernando at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan na ginanap kamakalawa sa Bulacan Sports Complex.

Ang nasabing okas­yon ay dinaluhan din nina Senadora Cynthia Villar; bilang speaker, DENR Undersecretary Benny Antiporda; DILG Assistant Secretary for special concerns Marjorie N. Jalosjos; PCOO Assistant Secretary Ramon Cualo­ping, III; at National Youth Commission (NYC) chairperson Ryan Enriquez.

Ayon kay Jalosjos, ang nasabing programa ay inorganisa ng DILG sa pakikipagtulungan ng DENR at Bulacan government at iba pang ahensiya ng gobyerno. Ito ay para magkaroon ng awareness ang pu­bliko na kinakailangan na palakasin ang programa para makibahagi ang mga ito sa patuloy na rehabilitasyon ng Manila Bay.

“We encourage every­one to be serious and support the cleanup of Manila Bay for the next generation, including Bulacan, Bataan, Pampanga and all coastal areas contributing sewage to Manila Bay, not just the National Capital Region, but all of us. Let’s start with our community and our village,” pahayag nito.

Napakagandang programa para nga naman maisalba natin ang Manila Bay at maibalik ang dating ganda at linis ng tubig na dumadaloy dito kung saan bordered ito ng limang coastal cities sa NCR at coastal provinces tulad ng Bataan, Bulacan, Pampanga at Cavite.

Ang Manila Bay kasi ay bagsakan o daluyan ng tubig-baha na may tone-toneladang inaa­nod na basura kung kaya inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng local government sa nasabing mga lalawigan at rehiyon na isalba ang Manila Bay.

Kung inyong matatandaan, sa tuwing bumabagyo at umuulan nang malakas, gabundok na basura ang kadalasan na nakukuha sa Manila Bay at maging sa baybayin ng ­Roxas Boulevard kaya pa­nahon na ng pagkakaisa.

Sa totoo lamang, palaging nakasuporta si Governor Fernando sa mga programa ng gob­yerno lalo na ang pag-rehabilitate sa mga ilog sa lalawigan ng Bulacan at maging sa Manila Bay.

May pag-asa pa tayong muling mapaganda at maibalik sa dating anyo ang Manila Bay basta magkaisa lamang ang mga Filipino na huwag magtapon ng basura sa mga ilog para hindi ito anurin patungo sa nasabing baybayin. (Hagupit ni Batuigas / MARIO B.  BATUIGAS)

128

Related posts

Leave a Comment