LIBRENG KOLEHIYO, MAS MARAMING PEOPLE’S PARKS SA LAST TERM

EARLY WARNING

Sa kasalukuyan, mahigit 7,000 na mahihirap na estudyante ang nag-aaral nang libre sa kolehiyo at vocational courses sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV) at Valenzuela Polytechnic College (VPC) pero nais ni Mayor Rex Gatchalian na higit pa sa doble nito ang bilang ng makikinabang sa loob ng kanyang huling termino.

Aniya, nauna na n’yang naiayos ang mga programa ng kanyang administras­yon sa primary at basic education sa lungsod at sa kanyang last and third term, focus n’ya naman ang tertiary at vocational education kung saan gusto n’yang mas marami pang ‘poor but deserving local students’ ang makinabang ng libreng edukasyon na sagot ng lokal na pamahalaan.

Sa usaping pangkalikasan naman, nais ni Mayor Rex na madagdagan pa ng dalawa o tatlo pang people’s parks sa lungsod at lalo pang pagandahin ang Polo Historic Park. “Industrial city ang Valenzuela kaya dapat nakakahinga nang maayos ang ating lungsod,” aniya.

ANG SINASABI NG BAGONG SURVEY FIRM NA TANGERE

Aba eh kung ating pagbabasehan ang sinasabi ng bagong survey firm na Tangere, etong si Manila ‘Yorme Kois’ Moreno ay ang magi­ging pangulo ng bansa kung ang halalan ay isasagawa sa kasalukuyan.

Sa detalyeng ating nakalap mula sa isang fellow media friend, si radio reporter Cathy Cruz, lumalabas sa isang non-commissioned survey na ginawa sa loob ng July 22-27, 2019 nakakuha ng approval rating itong si Moreno ng 67.21% habang sina Grace Poe naman ay may 56. 31%; Sara Duterte, 54.05%; Cynthia Villar, 46.48%; Bongbong Marcos, 45.98%; Manny Pacquiao, 44.10% at Leni Robredo, 19.92%.

Ayon kay Martin Penaflor, Tangere App chief architect/CEO, naging laman ng halos buong media itong si Isko dahil sa kanyang accomplishments sa loob lamang ng ilang araw na sob­rang ikinatuwa ng marami.

“What caught my attention in this survey is the approval rating of Mayor Sara Duterte of Davao and Senator Manny Pacquiao because these two perso­nalities are known in their own fields. Like senator, when we did this survey, he was also talk of the town after winning the fight over Keith Thurman…still, Mayor Isko leads the approval rating.”

Nais i-sustain ng Tangere ang pagsasagawa ng survey hanggang sa pagsapit ng presidential polls upang madetermina kung magpapatuloy ang mataas na approval rating ni Mayor Isko.

Bago kung ikukumpara sa ibang survey firms, ang Tangere, ayon kay kaibigang Cathy, ay kahalintulad ng kuwento ng ‘Noli Me Tangere’ (Touch Me Not). ‘It’s a revolution of techno­logy and people bolt-in into one community to hear the voice of the Filipinos, no influence, no boundaries.’ (Early Warning / ARLIE O. CALALO)

125

Related posts

Leave a Comment