LONG TERM SOLUTION SA PAGBAHA SA PAMPANGA, SINUSULONG NI PBBM

RAPIDO NI PATRICK TULFO

NOONG nakaraang araw ay nakipagpulong si Pangulong Bongbong Marcos sa mga lokal na opisyal ng Pampanga. Ito ay bunsod ng pagbaha ng malaking bahagi ng Pampanga kabilang ang North Luzon Expressway sa bayan ng Tulaoc, San Simon.

Iminungkahi ng mga opisyal ng Pampanga ang paghuhukay o pagpapaluwag ng mga ilog para umano lumaki ang daluyan ng tubig na nanggagaling sa matataas na probinsya. Pero ayon kay PBBM, short term solution ang paghuhukay o pagpapaluwag ng mga ilog.

Tama ang Pangulo nang sabihin n’yang lalaki lang ilog pero wala pa ring pupuntahan ang tubig kung saan pag naipon ay aapaw rin sa mga palayan at mga kalsada tulad nang nangyari noong Bagyong Egay at Falcon.

Hindi na umano uubra ang plano noong 20 years ago sa panahon ngayon dahil sa climate change. Kailangan umano ng pangmatagalang solusyon para maiwasan na ang pagbaha.

Iminungkahi ni dating DPWH Sec. Rogelio Singson na gawing water impounding area ang ilang parte ng Candaba swamp at isa pa sa San Antonio swamp sa Nueva Ecija.

Mariin itong tinutulan ni Pampanga Fourth District Rep. Anna York Bondoc-Sagum dahil maaapektuhan umano ang mga magsasaka sakaling matuloy ito.

Tiniyak naman ni PBBM na magkakaroon ng programa para sa mga maaapektuhang magsasaka.

Sa panahong pataas na nang pataas ang tubig, dapat ay nagsasagawa na ng planning ang mga ahensya ng gobyerno at mga opisyal ng lokal para maiwasan ang mas malaking problema sa mga susunod na panahon. Ang paglalagay ng malalaking drainage at maayos na daluyan ng tubig ay malaki ang magiging tulong katulad ng ginawa ng DPWH sa siyudad ng Mandaluyong na palaging lubog sa baha noong hindi pa napapalakihan ang mga drainage.

137

Related posts

Leave a Comment