LUCKY 8 STAR QUEST NAG-REMIT SA GOV’T NG P2.6-B, PITMASTER NAG-DONATE NAMAN NG P1-B (PART 1)

ANG Lucky 8 Star Quest Inc. ay hindi lamang isa sa mga pinakamalaking taxpayers sa bansa dahil namahagi rin ito ng tinatayang P1 bilyong halaga ng mga donasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang programa.

Nakapag-remit ito ng P2.6 bilyon sa pamahalaan sa pamamagitan ng buwis (P985 milyon) at P1.64 bilyon naman sa Philippine Amusement and ­Gaming Corporation (PAGCOR).

Nangyari ito sa loob lamang ng isa’t kalahating taong operasyon ng kompanya.

Nasa P955 milyon ang nai-donate nito sa various programs, siyempre, kasama na riyan ang COVID-19 response and vaccination; hospital equipment and rehabilitation; disaster and hunger relief; livelihood assistance, at marami pang iba.

Hindi lamang ito nakapag-ambag sa COVID-19 response, ­naglunsad din ang Lucky 8 ng malawakang charity work ­pro­grams sa pamamagitan ng corporate social responsibility (CSR) arm nito na Pitmaster Foundation Inc. (Providing Indigents with Timely Medical Assistance Services and Targeted Emergency Relief.).

Bagama’t noong November 2020 pa pormal na nailunsad ang Pitmaster, ang CSR organization ng Lucky 8 ay nakapaglaan na rin ng tulong at ayuda sa mga indi­bidwal sa mga komunidad simula noong 2016, at lalo na noong sumabog ang Bulkang Taal.

Well, bata pa lang daw kasi ay sadyang matulungin na ang vice president ng Lucky 8 Star Quest at chairman ng Pitmaster na si Boss Charlie “Atong” Ang.

Dahil musmos pa lamang siya noong mga panahong iyon, naaalala lang daw niya ito sa tuwing may mga lumalapit sa kanya na natulungan niya noong bata pa lamang siya para magpasalamat.

Sa kasagsagan ng pandemya, namahagi ang Pitmaster ng mga ambulansya sa 81 lalawigan sa bansa.

Sa ilalim ng liderato ni Ang, kasama si Atty. Caroline Cruz, Pitmaster executive director, at iba pang board of directors, nangako ang foundation na ipagpapatuloy nito ang efforts sa Marcos government na sinimulan ng grupo nitong nakaraang administrasyon.

Ilang beses nang kinilala ang foundation bilang ‘most generous’ at ‘most effective private-sector contributors’ sa laban ng gobyerno sa COVID-19.

Katunayan, sa Metro Manila, pinaigting ni Ang at Pitmaster ang COVID-19 efforts upang maiwasan ang posibleng pagkakaroon muli ng lockdown.

Bilang chairman, inatasan ni Ang ang foundation na humanap ng mga paraan upang hindi mamatay ang mga industriya at hindi na madagdagan ang mga nawalan ng trabaho.

Dahil dito, ang CSR arm ng Lucky 8 (Pitmaster) ay namahagi ng P50 milyon halaga ng antigen kits, P50 milyong cash, at P20 ­milyong halaga ng home care kits sa 17 local government units (LGUs) sa Metro Manila, sa tulong na rin ng Metropolitan Manila Development Authority, Department of Health (DOH), at Department of the Interior and Local Government (DILG). (ITUTULOY)

122

Related posts

Leave a Comment