MAKA-KOMUNISTANG KONGRESISTA IBASURA!

HINDI na dapat muling makapasok sa susunod na halalan sa 2022 ang mga tinaguriang maka-komunistang mga kongresista sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Tulad ng Bayan Muna na pinamumunuan ni Cong. Carlos Isagani Zarate na kilalang pro-komunista.

Pinapaniwala nila ang taumbayan na pinoprotektahan nila ang interes ng nakararami, subalit ang hindi napapansin, ang mga prinsipyo ni Zarate at Bayan Muna ay may katapat na halaga.

Gaya ng New People’s Army, ang tulad nila Zarate ay patuloy na inaatake ang mga hindi nag­babayad ng revolutionary tax, pero ang mga nagbabayad sa kanila ay malayang nakakapamuhay ng malaya. Tsk! Tsk! Tsk!

Ganyan ba ang klase ng gusto nating mga kinatawan sa kongreso?

Kitang-kita ito nang piliin ni Zarate na bumoto para i-renew ang prangkisa ng ABIAS-CBN… este mali ABS-CBN.

Matatandaang pinuna ni ­Pangulong Rodrigo Duterte si Zarate sa pagboto upang i-renew ang prangkisa ng network upang protektahan ang isa sa kanyang mga gatasan.

Anang pangulo, “alam mo, sasabihin ko. Nangangailangan ka ng pera, That’s the only reason. Komunista ka to defend an oligarch. ‘Di ka naman summa cum laude, pareho naman tayong pumasa sa Bar. Kung magsalita ka, you make it appear that we are milking the government.”

Binanggit din kamakailan ng pangulo na ang ginagamit na pera ng pagpapa-aral ng anak ni Zarate sa ibang bansa ay galing umano sa NPA.

Ang ipinagtataka lang natin na naniniwala si Zarate na mayroon pa silang krebilidad, habang nililinlang nila ang taumbayan.

Tulad ng mga kapatid nilang NPA, patuloy na inaatake ni Zarate ang kanilang mga kalaban sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mapanlinlang na impormasyon sa publiko. Galing!

Sa kabila ng kanilang diumano’y prinsipyo, naloloko pa rin nila ang ilang sa pamamagitan ng pag-isyu ng mga statement na walang sapat na basehan laban sa mga kumpanya tulad ng Meralco.

Tulad ng pagkuwestiyon ni Zarate laban sa ilang supplier ng Meralco, habang hindi pinapansin ang isang supplier na sister company ng ABS-CBN.

Nanatili silang tahimik hinggil sa FIT-ALL, habang pilit na inihahambing ang Competitive Selection Process (CSP) ng Meralco sa isang sarzuela.

Subalit bakit hindi man lang nila kinuwestiyunin kung paano naging karapat-dapat ang mga Lopez na makakuha ng FIT?

Ang FIT ay hindi napagpasyahan sa pamamagitan ng isang bidding na tulad ng CSP, kaya’t paano masasabing ang isang kumpanya ay karapat-dapat na mangolekta ng FIT?

Kamakailan inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang petisyon ng National Transmission Corporation (Transco) para sa pag-apruba ng Feed-in Tariff Allowance (FIT-ALL).

Pinahintulutan ng ERC ang Transco na mangolekta ng isang FIT lahat ng katumbas ng P0.0983 kada kilowatt-hour (kwh) na epektibo sa susunod na ikot ng pagsingil.

Kayat kaduda-duda ang kanilang pananahimik laban sa FIT, ito ba ay dahil isa sa kanilang mga corporate sponsor ay makikinabang sa nasabing taripa?

Mukhang taliwas ito sa mga isyung paulit-ulit nilang ibinabato laban sa Meralco at CSP nito.

Lantad na ang layunin ni Zarate at Bayan Muna, bakit pa natin pinapayagan na lokohin nila tayo?

Kaya sa susunod na eleksyon sa 2022 ay alam na natin kung anong gagawin natin sa mga ­party-list na maka-komunista. Kita-kits sa 2022.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyong mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com o mag-text sa 0919-259-59-07.
110

Related posts

Leave a Comment