KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO
KAHIT saan, kahit anong klase ng organisasyon, sabihin nating ahensya ito na pinatatakbo ng iba’t ibang individual, LAW of ASSOCIATION, halimbawa ng mga law enforcement agency.
Hindi lahat ng nandoon ay para sa giyera o lahat ay para sa battle enforcement, kailangan natin maunawaan na ang bawat ahensya ay may iba’t ibang departamento.
‘Pag finance department, dapat mayroon diyan accountant, sa PNP ay may engineering brigade pa yata, mayroon din silang laboratory, malamang medical courses ang mga nakapwesto diyan, mayroon din silang LAW department na kung saan ang makikita ay pawang mga lawyer at iba.
Naalala natin sa mga nakaraang sakuna dati na kailangang ang mga DOH official na pumupunta sa liblib na mga lugar sa kakulangan ng network of course, ang mga doctor, ‘di nila alam na may mga delikadong lugar, mahalaga lang sa kanila ay makatulong sa mga kababayan natin.
Ilan sa kanila ay nahihirapang makipag-usap sa mayor, sa mga governor or even sa mga military at police mismo, samakatuwid, kulang sa network of security, ang ilan sa kanila ay napapahamak, nahoholdap at ilan sa kanila ay nananakawan, nahihirapan din sila na makipag-usap sa mga pagsakay lalo kung tawid-dagat.
May mga nakikita rin tayo sa mga balita na head ng logistics ay mga doctor, head sa procurement ay doctor, sayang lang kasi sa totoo lang, hindi rin nila alam ang mga ganitong trabaho more on sa pasyente sila at medical.
Kaya nangyayari, namamali silang mga doctor na respetado minsan, pumasok lang sa DOH, nagkakaso na, kaya nga ngayon maraming tumatanggi na maupo sa DOH.
‘Yung mga taong qualified talaga, umaayaw na sila, sa panahon kasi ngayon, ang mga tao ang hinahanap kung ano ‘yung mali, at ‘di nila nakikita ang tamang nagawa mo, at kukuha sila ng simpatya sa mga POLITIKO at MEDIA, tapos idedemanda nila ang mga nakaupo, oo pwede mo namang sagutin sa korte ang demanda pero damage has been done na.
Nagkakaso ka na nasira ka pa. Kaya sa totoo lang, ilang mga high profile na doctor na nakakausap natin, ang nagsasabi na takot na silang maupo sa gobyerno, napakarami raw nilang isasakripisyo, sa isang iglap lang, mawawasak ka na dahil sa mga mapanirang tao.
Kung ako ang tatanungin, base sa aking kaalaman, napakahalaga ni Gen. Camilo Cascolan sa DOH, pwede siyang mag-intervene sa mga LGU in terms of network security sa panahon na ang ahensya ay kailangan sa mga liblib na lugar.
Sa panahon na kailangan ng mga tawid-dagat na biyahe ay kayang-kaya rin niyang mapabilis ang lahat dahil sa pagkakaalam ko ay may strong ties ang mga general ng iba’t ibang law enforcement.
Malaki rin ang maitutulong niya kung gagamitin din niya ang kanyang pangalan sa logistics tulad na lang ng pagde-deliver ng medical need sa ibang probinsya at ‘di na mae-expire ang vaccine dahil walang masakyan, at lalakas ang loob na pumunta sa laylayan ang mga ibang opisyales ng ahensya dahil sa may kasama silang nakakaalam base sa kanyang karanasan, kung saang lugar mapanganib at kung sino ang dapat na tawagan para sa kanilang kaligtasan.
Para sa akin, sa administrative na pagpapatakbo ay mahalaga ang power and security, sa opinyon ko, kailangan ng bawat ahensya ang katulad ni Gen. Cascolan.
oOo
For any reaction, tumatanggap po tayo ng suhestiyon, mag-text sa cell# 09391683316.
