MALASAKIT CENTERS PROGRAM NI SEN. BONG GO, LIMANG TAON NA!

TARGET NI KA REX CAYANONG

TILA hindi na mapigil ang pagdami ng Malasakit Centers sa bansa.

Habang tumatagal, patuloy itong nanganganak. Kahapon, Pebrero 12, ipinagdiwang ang ika-limang anibersaryo ng Malasakit Centers Program.

Nagsimula ito noong 2018, sa pangunguna ni Sen. Kuya Bong Go, principal author at sponsor ng Malasakit Centers Act of 2019.

Ito ang dahilan kaya umarangkada ang programa.

Umakyat na sa 154 Malasakit Centers ang nabuksan sa buong bansa mula nang maitayo ang unang center sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City noong Pebrero 12, 2018.

Nakapaghatid nga ito ng tulong sa milyun-milyon nating mahihirap na mga kababayan.

Naging saksi si Go sa naging hirap ng ating mga kababayan sa pagpila araw-araw sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang humingi ng tulong medikal. Ito ang dahilan kaya nabuo niya ang ideya sa likod ng Malasakit Centers.

Sa mga one-stop shop, pinagsama-sama na sa iisang kwarto o tanggapan ang mga ospital ng gobyerno, kabilang ang Philippine General Hospital, DSWD, DOH, PhilHealth at PCSO.

Kaya naibibigay sa mga nangangailangan ang mas convenient na access sa medical assistance programs ng pamahalaan. “Bakit natin pahihirapan ang mga Pilipino? Pera naman nila ‘yan at dapat lamang ibalik ito sa kanila sa pamamagitan ng mabilis na serbisyo. Basta Pilipino ka, kwalipikado ka sa Malasakit Center. Walang pinipili ang programa[ng ito],” ani Go.

“Simula noong ako ay nagtrabaho para kay (dating Davao City) Mayor (Rodrigo) Duterte noong 1998, nakita ko na ang daming humihingi sa kanya ng tulong kahit hindi sila taga-Davao. Kahit po mga taga-Cebu, humihingi rin ng tulong medikal kay (dating) Pangulong Duterte. Ubos ang oras nila sa kakahingi ng tulong sa iba’t ibang opisina,” pahayag pa ng masipag na senador.

Bukod sa VSMMC, nagkaroon na nga rin ng Malasakit Centers sa Cebu na matatagpuan sa St. Anthony Mother & Child Hospital sa Cebu City; Eversley Childs Sanitarium Hospital sa Mandaue City; Lapu-Lapu District Hospital; Cebu South Medical Center sa Talisay City; at Cebu Provincial Hospital sa Carcar City.

“Kung kinakailangan n’yo ng tulong sa mga pasyente na kinakailangang operahan sa Maynila, sabihan n’yo lang ang aking opisina. Tutulungan namin kayo sa inyong pagpapa-ospital. Bukas ang aking opisina para sa inyo. Magkapitbahay lang tayo. Bisaya tayo pareho,” dagdag pa ni Sen. Go.

Mabuhay kayo, Sen. Kuya Bong Go, at God bless po!

192

Related posts

Leave a Comment