TAMA NA, SOBRA NA!

KAALAMAN ni MIKE ROSARIO

BINOMBA ng tubig ng China Coast Guard (CCG) ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) noong Hunyo 30, 2023.

Ayon sa ating natanggap na impormasyon, ang misyon ng barko ng PCG noong nakaraang Miyerkoles ay maghatid ng pagkain at supplies sa mga tropa ng pamahalaan na nakabase sa isang outpost sa South China Sea.

Ang MRRV-4402 at MRRV-4403 ay nag-escort ng civilian na bangka na may mga tauhan ng Navy na nakasakay, nang komprontahin ng China Coast Guard noong Hunyo 30, 2023 malapit sa Ayungin Shoal sa loob ng Philippines Exclusive Economic Zone (EEZ).

Agresibo ang CCG nang gawin nila sa PCG ang pambobomba ng tubig sa nasabing karagatan na sakop ng Pilipinas.

Dahil sa pangyayaring panibagong pangha-harass sa barko ng PCG na ginawa ng barko naman ng CCG, ay hinimok ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel ang gobyerno, partikular ang Philippine Coast Guard, na bumuo ng ‘sensible plans’ sa pagharap sa Chinese Coast Guard.

Ito ay matapos ang panibagong insidente ng pangha-harass sa PCG na nasa resupply mission sa Ayungin Shoal.

Ayon pa kay Pimentel, dapat mautakan ng PCG ang CCG sa ating supply missions sa pamamagitan ng sensible plans o matinong plano ‘behind close doors’.

Sa kabilang banda, hindi naman pabor si Pimentel sa panahon nang igiit ang Mutual Defense Treaty ng Pilipinas sa Amerika.

Aniya, kinakailangang gumamit ng diplomasya at intelligence tactics ang ating PCG para hindi magdulot ng kaguluhan. Kung baga hinay-hinay lang.

Muling binatikos naman ni Sen. JV Ejercito ang nangyaring harassment ng CCG sa PCG.

Ayon kay Sen. Ejercito, sobra na! Nakakapikon na ang Tsina! Sobra na ang pambabastos sa ating Coast Guard, Navy, lalo sa mga mangingisda.

Ayon sa nakausap ng KAALAMAN, suhestiyon nila ay ‘wag tangkilikin ang mga produktong gawang China para wala silang negosyo sa Pilipinas.

Ang problema ay maraming ayudang natanggap o donasyon mula China ang gobyerno ng Pilipinas lalo noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, katulad ng mga bakuna (Sinovac, Covaxx at iba pa).

Marami ring proyekto sa Pilipinas ngayon na Chinese company ang contractor tulad ng Manila Bay Reclamation Projects, ang China Communications Construction Company.

288

Related posts

Leave a Comment