MASAYANG NPC ELECTION

At Your Service Ni Ka Francis

ILANG taon makalipas ang pananalasa ng pandemya ng COVID-19 ay muling isinagawa ang National Press Club (NPC) election.

Nitong nakaraang Linggo, Mayo 5, 2024 ay muling nagkaroon ng eleksyon ang NPC, may mahigit sa dalawang daang miyembro nito, mula sa iba’t ibang media outlets, ang nakiisa.

Muling bumalik ang dating sigla ng halalan ng NPC dahil nagkaroon ng dalawang kandidato sa pagkapangulo na sina Leonel “Boying” Magistrado Abasola at Joey Venancio.

Bagama’t magkalaban sa pagka-pangulo sina Abasola at Venancio ay naging maayos naman at walang naging kantiyawan ang magkabilang kampo.

Wala namang naging katunggali sina Vice President Benny Antiporda, Secretary Kristina “Tina” Maralit, Treasurer Mina Auer Diaz-Navarro at Auditor Lydia Bueno.

Kabilang sa mga nagwagi at manunungkulan sa NPC para sa taong 2024 hanggang 2026 para sa dalawang taon nilang termino, ay sina Boying Abasola, bilang President; Benny Antiporda, Vice President; Tina Maralit, Secretary; Mina Navarro, Treasurer; at Lydia Bueno, Auditor.

Manunungkulan din bilang miyembro ng Board of Directors sina Aya Yupangco, Alvin Murcia, Benedict Abaygar Jr., Gina Mape, Jeany Lacorte, Madz Arrieta Dominguez, Jun Mendoza, Dennis Napule, Eduardo Jay Reyes Jr., at Atty. Ferdinand Topacio.

Karamihan sa nanalong Board of Directors ay nagmula sa grupong Press Freedom Party ni Boying Abasola.

Sina Mape at Topacio lamang ang nakapasok na walang grupo na kinaaaniban, na nakakuha ng pang-4 at pang-10 pwesto na kapalit nina Nats Taboy at Bobby Ricohermoso, pawang mula sa Press Freedom Party.

Bukod sa magandang labanan sa pagka-pangulo ay naging masaya rin ang labanan sa Board of Directors dahil may iba ring tumakbo tulad nina Irwin Corpuz at Arnel Petil.

Congratulations sa mga nanalo, sa hindi naman nanalo, takbo uli kayo sa susunod na eleksyon.

Inaasahang pagkalipas ng dalawang taon, sa 2026 NPC Election ay lalo pang magiging masaya dahil posibleng mas darami pa ang magnanais na kumandidato.

Mabuhay ang National Press Club! Mabuhay ang mga mamamahayag ng Pilipinas!1

24

Related posts

Leave a Comment