MATIRA MATIBAY

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP

 

DAMANG-DAMA mo ang hirap at kalungkutan sa puso ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pagharap sa mamayang Pilipino sa pinakahuli niyang pagsasalita sa publiko sa pamamagitan ng telebisyon.

Hindi talaga isang biro ang krisis na kinakaharap hindi lamang ng ating bansa kundi ng buong mundo.

Dangan nga lamang na hindi maaring tularan ni Pangulong Duterte si Pastor Quiboloy na pwedeng sabihin na lamang na “covid stop!” para lamang mahinto na ang sakit at pagkamatay ng

maraming Pilipino na dulot ng COVID-19.

Sinabi nga ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe ay “Tingnan ninyo ngayon sige kayo labas, dumami ‘yung contamination ang pasa. Ito ang dilemma ko, dito ako between the devil and the

deep blue sea. Gusto ng mga doktor na i-lockdown kung may mga infected diyan. The percentage of the people affected in the community is not given any figure kung ilan sila. Ito namang sa

kabila, kailangan natin nang palabasin ‘yung mga tao lalo na sa mga trabaho na kailangan talaga ng bayan — food and everything — and also to move the economy”.

Naalala ko tuloy ang isa sa malimit na katanungan sa mga beauty pageant sa mga barangay na kung saan ang katanungan ay kung lulubog ang barko, sino ang iyong sasagipin?

Maikukumpara mo tuloy ang ating Pangulo sa kapitan ng barko na kailangan na mamili kung alin ang kanyang isasalba sa pagitan ng kaligtasan ng mamamayang Pilipino o ang kaligtasan ng ekonomiya ng bansa.

Katuwiran ng ilang miyembro ng gabinete ni President Duterte na kung palalawigin pa ang modified enhance community q­uarantine (MECQ) sa Mega Manila ay tuluyan ng babagsak ang ekonomiya at malamang na mahihirapan at matatagalan para makabangon.

Kasunod nito ay ang tuluyang pagkagutom ng mga mamamayan na maaring humantong sa pagtaas ng kriminalidad.

Samantala sa hanay naman ng mga health providers ay kinakailangang palawigin pa ng isang buwan ang MECQ at ipahinto ang paglabas sa tahanan ng mga mamamayan upang masigurong hindi na kakalat ang COVID-19 sa mga komunidad.

Umaabot na kasi sa 136,638 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas at nagtala ng 6,958 na bagong kaso noong Agosto 10. Samatala ang bilang ng namatay ay umabot na sa

2,293 habang 68,159 naman ang sinasabing naka-recovered o nailigtas.

Habang ang gobyerno ay hirap na hirap ­manimbang sa pagitan ng ekonomiya at kaligtasan ay tila hindi naman alintana ng mga ordinaryong mamayan ang mga kaganapan sa kanilang kapaligiran.

Ilan nga sa mga nakikitang mga larawan at video   sa social media at tele­bisyon ay ang patuloy na pag-uumpukan sa lansangan ng maraming mga mamayan na tila nagi-enjoy lamang sa kanilang

pagkukwentuhan. ­Idagdag pa rito ang siksikan at napakahabang pila sa mga remittance centers ng mga taong pinagkalooban ng Social Ameliorartion Fund.

Kung patuloy na babalewalain ng maraming mamayang Filipino ang peligro na dulot ng COVID-19 ay hindi malayong humantong tayo sa prinsipyong “MATIRA NA LANG ANG MATIBAY.”

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa akin sa e-mail address saksi.­ngayon@gmail.com o drchieumandap@yahoo.com o tumawag sa (02)84254256.

93

Related posts

Leave a Comment