MATUTO SA NAKARAAN

NANINIWALA ang isang mambabatas na hindi sapat ang ginagawa ng Pilipinas kontra COVID-19 sa gitna ng paghihigpit ng ibang bansa sa mga byahe mula China, na nakararanas muli ng malalang surge ng coronavirus.

Ayon kay Iloilo Rep. Janette Garin, imbes sakyan ang aksyon ng ilang bansa sa mga pasahero mula sa China ay tugunan muna ang problema sa Pilipinas.

Malaki pa ang problema ng Pilipinas sa COVID-19 dahil masyado pa ring mahal ang pagpapagamot at mababa pa rin ang bilang ng mga nagpapa-booster na kailangan para makaiwas sa COVID-19 at maiwasan na magkaroon ng mutation.

Kung malaki pa pala ang problema, baka madagdagan pa ng hindi magandang resulta ng hindi paghihigpit sa mga biyahero galing China.

Ano ang saysay ng mungkahing obligahin lamang ang mga pasahero mula sa China na magsumite ng kanilang PCR test bago pumunta sa Pilipinas kung walang kakayahan ang Pilipinas na masigurong totoo o peke ang mga dokumentong bitbit ng mga ito.

Suhestyon na palipad-hangin lang. Ang ­nararapat ay huwag luwagan ang restrictions, at isipin at unahin ang kapakanan ng mga Pinoy.

Dapat matuto na ang mga otoridad sa ­leksyon ng pagpapabaya noong 2020. Mahalaga ang pangangalaga sa loob ng bakuran, ngunit kung hindi mag-iingat sa pagpapasok ng iba ay malamang mauwi sa disgrasya ang saya.

May senyal na. Walong Pinoy na galing China ang nakumpirmang positibo sa COVID-19, ayon sa DOH. Hindi bakunado laban sa natu­rang sakit ang mga biyahero.

Ang walong Pinoy ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport mula Disyembre 27, 2022 hanggang Enero 2, 2023, at nagpositibo sa COVID-19 sa pamamagitan ng antigen screening.

Base sa protocols, ang non-fully vaccinated na indibidwal na walang maipresentang negative pre-departure test result ay susuriin paglapag sa airport.

Kaya mali ang katwirang huwag isipin kung ano ang nangyayari sa ibang bansa o sa buong mundo.

25

Related posts

Leave a Comment