METRO MANILA, GAANO KAHANDA SA MALAKAS SA LINDOL?

RAPIDO ni PATRICK TULFO

MAHIGIT isang linggo na ang nakalilipas mula nang yanigin ng magnitude 7.6 na lindol ang Ishikawa Prefecture sa Japan.

Sa huling tala ay umabot na sa 160 na katao ang namatay at pinangangambahang lalaki pa ang bilang.

Kilala ang Japan sa malalakas na lindol kaya’t karamihan sa mga gusali at istraktura dito ay sinasabing earthquake proof dahil normal na lang sa kanila ang pagyanig ng lupa.

Katulad ng Japan, nasa Pacific Ring of Fire din ang Pilipinas, kung saan malalakas na lindol ang naitatala.

Pero gaano ba kahanda ang ating bansa, lalo na ang Metro Manila, sakaling tamaan tayo ng napakalakas na lindol.

Noong 2015, sa ginawang pag-aaral ng Metropolitan Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS), maaaring umabot sa 30,000 na katao ang masasawi at nasa 100,000 ang masasaktan sakaling tamaan ng 7.8 na lindol ang Metro Manila.

Kaya’t karamihan sa mga bagong gusaling itinatayo, lalo na sa kaliwa’t kanang construction ng mga condominium, sinasabing ginagawa itong mga earthquake proof bilang proteksyon sa homeowners nito.

Pero paano ang mga lumang gusali na itinayo noong 1990s hanggang simula ng 2000s? Luma na ang karamihan sa mga ito ngunit okupado pa rin?

Dapat ay magsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan sa mga gusaling nakatayo sa kanilang nasasakupan, upang matiyak na matibay at sumusunod ang mga ito sa safety procedures tulad ng pagkakaroon ng fire exits.

Lalo ngayong Enero, ngayon ang buwan kung kailan nagre-renew ng business permit ang mga negosyo. Kailangang magsagawa ng inspeksyon ang mga kawani bago sila magbigay ng lisensya upang matiyak ang seguridad ng mamamayan.

72

Related posts

Leave a Comment