MAS PINAMURANG HEALTHY LIVING, HATID NG HERBAL NATION

Manila, Philippines – Sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19, ang mga non-communicable diseases (NCDs) tulad ng mga sakit sa puso, diabetes, at cancer ay nananatiling pangunahing dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas, ayon sa World Health Organization (WHO). Gayunpaman, patuloy pa rin ang mga pinansyal na hadlang sa pagkuha ng tamang healthcare para sa mga Pilipino. Kahit ang mga herbal na produkto na itinuturing na alternatibong solusyon, kadalasang nagiging sanhi pa ng financial burden sa pangkaraniwang Pilipino.

Sa kabutihang palad, sa dami ng herbal products na pagpipilian, natuklasan namin ang isang maipagmamalaki at de-kalidad na produkto na nagiging kilala sa mga produktong abot-kaya at epektibo—kilalanin ang Herbal Nation.

Bilang isang FDA-approved na local wellness brand, ipinagmamalaki ng Herbal Nation ang kanilang pangunahing produkto, ang Barley Grass Juice Powder, isang superfood na mabibili sa napakababang halagang P399 at kaya nang makapagbigay ng 33 servings. Ito ay nalalayo sa P800-P2,000 na price range ng mga kakompetensyang brand.

Hindi lang barley ang ipinagmamalaking produkto ng Barley Nation. Ang brand na ito ay nag-aalok ng iba’t ibang herbal products na ginawa para sa iba’t ibang lifestyle at edad, kabilang ang Maca Extract Powder, Allulose Plant-based Sweetener, Peruvian Chia Seeds, Stevia Erythritol, at Tongkat Ali Extract Powder—ang Herbal Nation ay nagbibigay ng bagong kahulugan sa abot-kayang kalusugan.

Sa panahon kung saan ang kalusugan ay may kaakibat na malaking halaga, nagpapakilala ang Herbal Nation bilang sagisag ng pantay at abot-kayang kalusugan para sa bawat Pilipino. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.herbalnationph.com.

134

Related posts

Leave a Comment