MGA SIBILYAN PAPAYAGAN NANG MAGDALA NG BARIL

RAPIDO ni PATRICK TULFO

KAMAKAILAN nga ay inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na maaari nang magmay-ari at magpalisensya ng semi-automatic rifles ang mga sibilyan sa bansa.

Ito ay sa kagustuhan ng PNP na mahikayat ang mga sibilyan na palisensyahan ang mga baril na hindi nakadeklara sa ahensya.

Sa ganitong paraan ay magkakaroon umano ng kontrol sa krimen kung lisensyado na ang mga baril.

Pero hati ang opinyon ng publiko sa issue na ito.

Ngayon pa nga lang na ‘di pa awtorisado ang mga sibilyan na magmay-ari o magdala ng baril ay kaliwa’t kanan na ang mga krimen dahil sa mga kababayan nating idinadaan sa init ng ulo ang nangyayaring mga kaguluhan.

Sa Texas, USA, hindi rin makontrol ng pulisya ang mga krimen lalo na ang nangyayaring shootout sa mga eskwelahan dahil sa pagpayag ng gobyerno nila na magdala ng baril ang mga sibilyan.

Sana ay pinag-aralan pa ng PNP ang hakbang na ito kung ito talaga ay makatutulong sa mamamayan at sa pulisya dahil baka maging mitsa lamang ito ng mas malaking problema.

187

Related posts

Leave a Comment