OFW ACTION CENTER BUBUKSAN SA OCTOBER 5

HINDI na mabilang ang mga pamilya ng OFW na dumudulog sa ating AKOOFW column sa pahayagan Saksi Ngayon. Malimit ay ipinapadala nila ang kanilang sumbong sa pamamagitan ng social media o kaya sa Messenger apps. Ngunit marami pa ring mga pamilya ng OFW at mga dating OFW ang nakiki-usap na kung maaari ay magbukas tayo ng ­sariling opisina na maaari nilang mapuntahan at para may personal silang makakausap at mapagsusumbungan.

Dahil dito, ang AKO­OFW ay magbubukas na ng OFW Action Center na matatagpuan sa Umandap Residence Building sa panulukan ng Ben Harrison St. at P. Binay St. sa Barangay Pio del Pilar simula sa Oktubre 5 taong kasalu­kuyan.

Sa ating OFW Action Center natin tatanggapin ang mga sumbong at ­reklamo ng mga OFW at ng pamilya ng OFW. Masusi nating susundin ang IATF protocol kung kaya ­maaaring maging limitado ang pagpasok ng ating mga bisita sa loob ng ating opisina. Gayunpaman, sisikapin natin na mapaglingkuran sa abot ng makakaya ang bawat hinaing o sumbong na idinudulog ng ating mga kabayani.

Samantala, bibigyan daan natin ang idinudulog na problema ni OFW Vilma Sabornido na nasa Al Khobar, Saudi Arabia. Ayon sa ipinadalang sumbong ni Vilma, sinabi nito na tapos na ang kanyang kontrata at katunayan ay halos limang taon na siya sa kanyang pinagtatrabahuan ngunit ayaw pa rin siyang payagan ng kanyang amo na makauwi sa Pilipinas.

Sa tuwing siya ay nakikiusap sa kanyang amo para makauwi na sa Pilipinas ay mistulang walang naririnig ang kanyang amo at binabalewala ang kanyang pakiusap. Wala naman siyang problema sa kanyang trabaho at sa pagkain at ang tangi lamang niyang pakiusap ay ang payagan na siyang makauwi sa Pilipinas.

Ang sumbong na ito ni Vilma ay aking ­ipinarating kay OWWA Overseas Operations Director Connie Marquez upang mapaki­usapan ang kanyang employer na payagan na itong makauwi sa Pilipinas at nang kanyang maalagaan ang kanyang tatay na may malubhang karamdaman.

Sa pinaka-latest na impormasyon na ipinadala sa akin ni Director Marquez, ini-report ng welfare officer sa Saudi Arabia na kanila nang tinawagan ang employer ni Vilma ngunit ayaw nitong makipag-cooperate sa POLO-OWWA.

Samantala, ibig kong iparating ang aking labis na pasasalamat sa lahat ng mga OFW na nakiisa sa aming panalangin upang aprubahan ng COMELEC ang aplikasyon para sa accreditation ng AKOOFW para makasali sa 2022 National Election.

Dahil sa tulong at talino ng batikang election lawyer na si Atty. Donna Lerona-Camitan ay ­naging ganap nang party-list ang ating advocacy group na AKOOFW. Haharapin natin ang malaking hamon na magampanan nang mas higit pa ang ating kasalukuyang ginagawa para mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga OFW at pamilya ng mga ito.

149

Related posts

Leave a Comment