PAGDEPENSA NI SEN. ROBIN KAY EX-PRRD AT PAG-ASA PARA SA BAGONG CAMNORTEÑO!

TARGET NI KA REX CAYANONG

SA gitna ng mga kontrobersiya at batuhan ng putik, iginiit ni Senator Robin Padilla na walang nilabag na batas si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa paglilipat ng pondo para sa COVID-19 noong kasagsagan ng pandemya.

Batay sa Section 4 ng Bayanihan Law at sa resolusyon ng Government Procurement Policy Board, malinaw raw na hindi saklaw ng regular na mga proseso ng procurement ang pagbili ng mga Personal Protective Equipment (PPEs) sa ganitong mga sitwasyon.

Sa panahon ng krisis, ang bawat desisyon ay maaaring maging usapin ng buhay at kamatayan.

Binibigyang-diin ni Padilla na, tulad ng ibang mga bansa, kinailangan ng Pilipinas na gumastos ng malaki at agarang kumilos upang labanan ang pandemya. Ang mabilis na pagkilos at pag aangkop ng mga pamamaraan ay kinakailangan upang maprotektahan ang kalusugan at buhay ng mga Pilipino.

Matatandaang noong nakaraang linggo, ipinahayag ni dating Health Secretary Francisco Duque III sa oversight hearing ng Kamara na ipinag-utos ni Duterte ang paglipat ng COVID funds sa PS-DBM upang makabili ng kinakailangang COVID supplies. Ang hakbang na ito ay isang tugon sa pangangailangan ng mabilis at episyenteng aksyon sa gitna ng isang pambansang krisis.

Sa harap ng mga paratang at kontrobersiya, mahalagang maunawaan na ang mga hakbang na ito ay ginawa upang matugunan ang isang hindi inaasahang pandemya. Ang mga batas at patakaran tulad ng Bayanihan Law ay ipinasa upang bigyan ng kaluwagan ang pamahalaan na kumilos nang mabilis at epektibo.

Samantala, isang mainit na pagbati at pasasalamat ang ipinapaabot ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte sa lahat ng mga benepisyaryo ng starter kit mula sa programa ng TESDA na Special Training to Employment (STEP).

Sa pangunguna ni Senador Robin Padilla, ang programang ito ay nagbibigay ng bagong pag-asa at pagkakataon para sa ating mga kababayan sa Camarines Norte. Ang layunin ng pamahalaan na bigyan ang bawat isa ng tamang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas maunlad at masagana na buhay.

Sa suporta ni Vice Governor Joseph Ascutia, ang CamNorte ay hindi lamang nagiging disiplinado kundi produktibo rin. Ang pagtutok sa edukasyon at pagsasanay ay nagsisiguro na ang bawat CamNorteño ay may sapat na kasanayan upang harapin ang mga hamon ng buhay at magtagumpay sa kanilang napiling larangan. Ang mga starter kit na ito ay hindi lamang kagamitan kundi simbolo ng bagong simula at pag-asa para sa ating mga kababayan.

Malaki rin ang pasasalamat ni Gov. Dong Padilla kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa walang humpay na suporta at mga proyektong ibinibigay niya sa probinsya. Ang P10.28 milyon na ayuda para sa mga naapektuhan ng El Niño ay isang malaking tulong upang muling makabangon ang ating mga magsasaka at mangingisda.

Ang mga titulo ng lupa, fingerlings, at iba pang suporta para sa kabuhayan ay mga hakbang tungo sa mas matatag na kinabukasan para sa bawat Bikolano.

Sabi nga, ang bagong CamNorteño ay disiplinado, produktibo, at puno ng pag-asa!

31

Related posts

Leave a Comment