NAKATUTUWA o OKAY na OKAY limiin na nagkakaisa ang mga Filipino at Chinese sa pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong year of the white metal rat, ang totoong bente-bente (2020) na sa dayalogo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay etneb-etneb.
Hindi lang naman sa Maynila partikular sa Binondo ipinagdiriwang ang Chinese New Year subalit maging sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na kadalasang tinatawag na China Town.
Okay ang ginagawang pagdiriwang sa iba’t ibang panig ng mundo dahil halos isang ikalima (one fifth) ng populasyon sa planeta ay pawang Chinese.
Okay lang na maging magarbo ang pagdiriwang o pagsalubong sa Chinese New Year dahil nagbibigay ito ng kagalakan sa marami lalo na sa mga Fil-Chi o Tsinoy na talaga namang nakahanda sa pamamahagi ng tikoy at angpao at paggastos sa mga fireworks at dragon dance.
Lalong okay ang mga tulong na naibigay ng Chinese community sa mga napinsala nang pag-aalburuto ng Bulkang Taal at iba pang kalamidad.
Pinaka-OKAY ay ang pagiging bahagi nila sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa lalo na sa mga binabayaran nilang buwis sa pamahalaan dahil sa kanilang mga negosyo at ang pagbibigay nila ng trabaho sa mga Filipino.
Pero OKRAY ay may mangilan-ngilan na Tsinoy na nananamantala sa kanilang pakikipagkaibigan sa mga opisyales ng pamahalaan na umaabot sa sukdulan na nayayapakan na nila ang karapatan ng mga totoong mamamayan ng bansang Pilipinas.
Okray din ang panloloko ng maraming Chinese na nagtungo rito sa Pinas upang magnegosyo tulad ng mga pasugalan na sinasamantala naman ang hindi pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan at ma-ging sa mga empleyadong Pinoy na kanilang kinuha.
Okray na okray lalo ang ginagawang pagmamalupit ng ilang Chinese sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa condominiums at hotels na tinitirhan ng una na kanilang ginugulpi kapag sinasaway sila sa kanilang pagtatalo at malakas na pag-uusap. (OKAY O OKRAY / LEA BOTONES)
139