SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG
HINDI maitatanggi ng licensed e-sabong operator na Lucky 8 Star Quest na ikinalugod nila ang ginawang paglagda ni Pangulong Bongbong Marcos sa Subscriber Identity Module o SIM Registration Act. Ito’y upang masugpo ang illegal gambling sa Pilipinas.
Ayon kay Lucky 8 Star Risk & Compliance Manager Rommel Cruz, welcome development ito para sa kanila dahil magdudulot ito nang maayos na gambling regulations. Siyempre, maaaring mabura na rin ang illegal gambling sa bansa.
Para kay Cruz, dapat purihin ang mga mambabatas na naging daan upang makalusot ang nasabing batas. Sa ganitong paraan din daw, aba’y mas mapaiigting pa ang kanilang electronic Know Your Client (eKYC) procedures dahil noong wala pa ang batas na ito ay maling impormasyon daw ang ibinibigay ng ilang e-sabong players.
“The new law will help control illegal gambling in the country. This will also intensify measures that Lucky 8 Star Quest has been advocating for eKYC,” wika ni Cruz.
Isinusulong ng Lucky 8 ang pagkakaroon ng eKYC upang malimitahan ang mga maaaring maglaro mula edad 21 pataas. “I’m hopeful that developments like this continue so we can help address the concerns of the public specially on providing controls on player identification for e-sabong, limiting access to individuals aged 21 years old and above,” ani Cruz.
Sa ilalim ng eKYC, ang mga players ay oobligahin ding magsumite at magdeklara ng kanilang basic information, bagong photo, valid government ID, at source of funds sa kanilang pagpaparehistro. “These requirements are imposed not only on the players, but on the agents and operators as well. These data are digitally recorded and follow security safeguards for its clients’ information, similar to the requirements for SIM registration,” sabi ni Cruz.
Samantala, iminamandato naman ng bagong batas na dapat iparehistro ang mga bago at dating SIM card sa loob ng 180 araw o anim na buwan.
