PAGLIPAT NG SENADO SA BGC

SIDEBAR

NAGSIMULA na ang kampanya noong Martes (Pebrero 12) para sa mga tumatakbong senador at ilan sa mga 70 kandidato ay naniniwala na sila ay mananalo sa halalan sa Mayo 13.

May nakapagbulong sa atin na isang senatorial candidate mula sa Min-danao ang tila sigurado na sa kanyang pagkapanalo dahil ngayon pa lang ay nagpaplano na itong bumili ng isang condominium unit sa Bonifacio Global City o BGC.

Kilala bilang commercial and business district ang BGC at alam ng mga negosyante kung gaano kamahal ang mga condominium unit sa naturang lugar na pinag-hahatian ng mga syudad ng Makati at Taguig.

At kaya gustong bumili ng condo unit sa BGC ni senatorial candidate from Mindanao ay sa napipintong paglipat ng Senado sa BGC kung saan hinuhukay na ang lote kung saan itatayo ang bagong building ng Senado.

Ibig lang sabihin nito ay ganoon na lamang ang pagiging optimistic ni senatorial candidate na mananalo siyang senador kahit pa hindi siya pumapasok sa “Magic 12” at sabi nga ng ibang senador ay ni sa “Magic 15” ay hindi rin ito makalusot.

Kunsabagay, libre naman ang mangarap pero sa bahagi ni senatorial candidate ay malaki na ang kanyang gastos ilang buwan bago nagsimula ang senatorial campaign.

Napapag-usapan na rin lang ang paglipat ng Senado mula sa GSIS building sa Pasay City patungong BGC, parang nabunutan ng tinik ang ilang misis ng mga empleyado ng Senado sa nakatakdang paglipat ng Mataas na Kapulungan sa BGC.

Pinoproblema kasi ng mga nakausap nating may-bahay ang pagkakalulong ng kanilang mga mister sa isang night club na nasa tabi lamang ng kasalukuyang tanggapan ng mga senador sa may Macapagal Boulevard.

Ilang beses na diumano nilang nireklamo sa opisina ni Mayor Tony Calixto, PNP Chief Oscar Alba-yalde at NCRPO Chief Guil-lermo Eleazar ang Titanz KTV Bar na katabing-katabi lamang ng GSIS building at isang simbahan sa Pasay ngunit hanggang sa ngayon ay hindi ito napapasara sa kabila ng napakaraming paglabag nito sa batas.

Bukod sa wala diumano itong business permit ay wala ring working permit at medical clearance ang mga nagtatrabahong GRO dito na siyang kinatatakutan ng mga misis na nakausap natin. Baka nga naman mag-uwi pa ng sakit ang kanilang mga mister na suki ng Titanz KTV Bar.

Sa pagtatanung-tanong natin, ito palang Titanz KTV bar ay pag-aari ng magkapatid na Japanese na diumano’y mga miyembro ng Yakuza gang at ilegal na naninirahan dito sa Pilipinas. Wanted din diumano ang magkapatid na Hapones sa Japan dahil sa patung-patong na kasong kriminal.

May dummy o front lamang ito na Filipino na siyang humaharap sa mga kolektor ng pulis at bagman ng mga lokal na opisyal sa Pasay kapalit ng proteksyon ng club mula sa mga posib-leng raid ng PNP at Pasay City hall.

Kaya pala patuloy ang operasyon ng Titanz KTV Bar ay sa dahilang bukod sa proteksyon ay nagpupunta rin pala dito ang ilang matataas na opisyal ng PNP para maglibang-libang. Alam kaya ito ni Chief, PNP at ng NCRPO director? (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

100

Related posts

Leave a Comment