PAGLUSOT NG E-SABONG LICENSES, PINUPULITIKA NI CAYETANO

AKALA ko, ako lang ang nakakapansin sa matinding galit ngayon ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa e-sabong o online sabong. Lahat ng online gambling ­kinamumuhian daw niya.

Nakapagtataka naman ito dahil tumanda na lang siya, wala naman akong matandaang binabatikos niya at sinasawata ang mga saklang-patay, jueteng, peryahan, at iba pang aktibidad na may sugalan na nasa kanyang nasasakupan sa Taguig.

Kumbaga, sini-single out lang yata ni Cayetano ang ­e-sabong. Matindi ang galit niya rito o baka raw sa mga ­mambabatas na nagsusulong dito.

Nakalusot kasi ito sa liderato ni House Speaker Lord Alan Jay Velasco kaya siguro ganoon na lang niya katindi inuupakan ito.

Ang masaklap nga lang, tila apektado sa pamumulitikang ginagawa ni Cayetano ang mga mahihirap na natutulungan ng mga kompanyang nagsusulong ng e-sabong.

Banggitin ko na ang Lucky 8 Star Quest, Inc. (sister company ng Pitmaster Foundation) at Visayas Cockers Club, Inc.

Wala naman sigurong masama kung maglalatag sila ng betting stations sa bansa, ang mahalaga’y nagbabayad sila ng buwis, at marami silang natutulungan. Ang gusto lang ng gambling firms ay i-regulate sila nang maayos.

Si Cayetano naman kasi ay pamumulitika lang daw ang inaatupag.

Kaya nga sila nagre-remit ng milyun-milyong pondo sa Phil. Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) at totoong nakatutulong ito sa pandemic response ng gobyerno.

Nawa’y magbago naman ang isip nitong si Cayetano. ­Tigilan na niya ang pamumulitika.

Isaalang-alang nawa ng mamang ito ang kapakanan ng mas maraming Pinoy na nagbebenepisyo, hindi lamang financially, kundi maging sa mga proyektong ginagawa ng pamahalaan dulot ng buwis at pondong ibinabahagi ng e-sabong firms.

3

Related posts

Leave a Comment