PANGINOON AT PAMILYA = MAAYOS NA KOMUNIDAD

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS

KUNG ang bumubuo ng ating mga komunidad ay may takot at paniniwala sa Panginoon, siguradong tahimik at maayos ang ating paninirahan.

Nagiging mapayapa at maayos ang pamumuhay ng isang pamilya sa pangunguna ng kanilang haligi ng tahanan (tatay) at sa tulong ng ilaw ng tahanan (nanay).

Kung maayos sina Tatay at Nanay, ang kanilang mga anak ay magiging maayos din.

Kung lahat ng pamilya sa isang komunidad ay maayos, walang magiging problema ang ating pamahalaan sa peace and order.

Sa katunayan, may lalawigan sa ating bansa na mababa ang crime rate, ito ay kinabibilangan ng Cordillera Administrative Region (CAR) at Batanes.

Sa Batanes, may mga tindahan na walang nagbabantay, kung ikaw ay bibili sa kanila, ikaw na rin ang kukuha ng iyong binili at sukli.

Kung ganito ang ating mga lalawigan sa buong bansa ay mababawasan ang gastusin at problema ang ating pamahalaan dahil hindi na kailangan bantayan pa ng mga awtoridad ang mga tindahan.

Kapag ang isang pamilya ay may takot at paniniwala sa Panginoon, ito ay nagiging dala-dala natin kahit saan man tayo mapunta.

Lahat ng panahon ay magiging mabuti tayo sa ating kapwa at sa ating komunidad kahit saan man tayo mapadpad na lugar.

Kung ano ang paghubog sa atin ng ating mga magulang hanggang sa pagtanda natin ay magiging dala-dala natin ito at maaari natin itong ituro sa ating mga anak at mga apo.

Kaya nga ang tao kapag nagkasala ay ikinukulong ng gobyerno hindi lang para parusahan kundi isasailalim din sa rehabilitasyon para paglabas niya ay maging maayos siya at muli siyang tanggapin ng kanyang komunidad.

Kung ano man ang kanyang naging kaugalian na nagbunsod ng kanyang pagkakakulong ay gusto ng gobyerno na mabago ito sa kanilang isinasagawang rehabilitasyon sa mga preso.

Kaya hindi nakapagtataka na mayroong mga lider ng iba’t ibang simbahan na pinapayagang mangaral sa loob ng mga kulungan dahil ito ay bahagi ng rehabilitasyon ng mga preso.

‘Pag pinagsama ang Panginoon at pamilya, ang resulta maayos at tahimik na komunidad.

oOo

Samantala, binabati ko naman ang matagumpay na GMM ng Sta. Maria Magnificent Eagle Club sa pamumuno ni kapatid at kuya Solomon Jover sa nakatakdang pamimigay nila ng bigas sa halos 1,300 na pamilya sa bayan ng Hagonoy, Bulacan sa pangunguna naman ni kuya Police Colonel Aldrine Thompson, bilang Chief of Police ng nasabing bayan… Kudos kuya Police Colonel Thompson at Sta. Maria Magnificent Eagle Club.

Salamat din sa patuloy na suporta ni kuya Vin Pacia at pamimigay n’ya ng Mekus manok sa mga nangangailangang indibidwal, sa pamamagitan nito ay dadaloy pa ang pagpapala ng Ama sa inyong buhay at negosyo.

35

Related posts

Leave a Comment