PANUKALA NI BBM PARA SA BAKUNA, NAPAPANAHON

ISANG napakagandang balita ang malaman na magsisimula na ngayong Oktubre ang pamamahagi ng bakuna sa publiko kabilang ang mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang. Dahil mas dadami ang maaaring makatanggap ng bakuna, naniniwala si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na malaki ang posibilidad na magiging masaya ang Pasko ng mga Pilipino. Kung mas marami ang mababakunahan sa katapusan ng taon, mas magiging madali rin ang muling pagbubukas ng ekonomiya.

Ako ay lubos na naga­galak ukol sa balita na maging ang mga kabataan na may edad 12 taong gulang pataas ay maaari na ring mabigyan ng bakuna. Isang magandang regalo sa bawat pamilyang Pilipino ngayong darating na Pasko ang pagkakataong magkaroon ng “bubble” sa kanilang tahanan.

Gaya nang ipinatupad na sistema sa pagtatakda ng prayoridad sa pamamahagi ng bakuna, uunahin ang mga kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang na mayroong comorbidity. Ang mga ito ay ituturing na kabilang sa A3 category o persons with comorbidities. Ang iba namang kabataang ­nakarehistro ay mabibigyan bakuna kapag ­nasiguro na ang naipamahagi sa A2 priority group o senior citizens sa buong bansa, ay sapat na.

Batay sa paliwanag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinakailangang unti-untiin ang pamamahagi ng bakuna sa mga kabataan. Kinakailangan nilang isa-alang-alang ang panganib na maaaring maidulot ng COVID-19 sa mga bata, at ang supply ng bakuna sa bansa na nanatiling limitado.

Ngayong buwan ay maaaring umpisahan na ang pamamahagi ng bakuna sa mga kabataang may comorbidity. Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, ang pagsisimula ng pagbabakuna ay inaasahang sa ika-15 ng Oktubre. Ito ay unang ilulunsad sa Metro Manila at maaaring palawigin at simulan ang pamamahagi sa mga kabataang kabilang sa A3 na nasa labas ng Metro Manila matapos ang dalawang linggo, na siyang magsisilbing test run ng programa.

Dagdag pa ni Cabotaje, kasalukuyan pang pinag-uusapan kung saan isasagawa ang pamamahagi ng bakuna para sa mga kabataang may comorbidity. Ang kanilang rekomendasyon ay isagawa sa ospital ang pagsisimula ng pagbabakuna sa mga kabataan upang mas mabantayan kung ano ang epekto nito sa kanila.

Ang pagbabakuna sa mga kabataan ay ­malaking tulong sa napabalitang muling pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa. Kamakailan ay pumirma sa isang joint circular ang DepEd at DOH ukol sa mga panuntunan sa pagpapatupad ng face-to-face classes sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 sa bansa. Ayon sa Department of Education (DepEd), ang mga naturang panuntunan ay kanilang inihanda katulong ang DOH. Ito ay suportado ng World Health Organization (WHO) at United Nations Children’s Fund.

Ang hakbang na ito ukol sa pamamahagi ng bakuna sa publiko kabilang ang mga kabataang may edad 12 taong gulang pataas, ay nagbibigay ng pag-asa sa ating lahat. Bagaman malayo pa tayo sa dulo ng laban kontra COVID-19, ang mga ganitong uri ng balita ay sapat na upang maniwala na bawat araw na nagdaraan ay tila hakbang papalapit sa ating inaasam na herd immunity.

239

Related posts

Leave a Comment