PATAY SA SEPTIC TANK SA NBP, PINAIIMBESTIGAHAN NI CONG. ERWIN TULFO

TARGET NI KA REX CAYANONG

NABABALOT na naman ng kontrobersiya ang New Bilibid Prison (NBP).

Ito’y dahil sa nangyari sa Bilibid inmate na si Michael Cataroja na iniulat na nawala at natagpuang patay sa septic tank sa maximum security compound.

Kaya pinaiimbestigahan ito ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo sa Kamara.

Batay sa House Resolution No. 1136 na inihain niya kasama ang iba pang kinatawan ng party-list, hinimok nila ang mga kasamahang kongresista na siyasatin ang insidente.

Noong Hunyo pa raw nawawala ang 25 taong gulang na bilanggo hanggang sa makita na nga ito sa septic tank. “As part of the duties and functions of the House of Representatives, it is prudent to revisit and scrutinize existing laws, regulations and circumstances that affect the country’s public order and safety primarily the country’s correctional facilities,” sabi sa resolusyon ni Tulfo.

Unang isiniwalat ni Tulfo ang pangyayari sa kanyang programa sa radyo noong Hulyo 20.

Nakita na nga raw itong patay sa tangke ng Dormitory 8 ng NBP. At ito na nga ang dahilan kaya pinaiimbestigahan niya ito.

Matapos daw madiskubre ang bangkay nito, nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng mga nagbabangayang gangs sa maximum security facility.

“Note that the inmates were allegedly armed with pistols and rifles according to my source where in one PDL (person deprived of liberty) died of gunshot wounds and nine others seriously injured,” pagbubunyag ng kongresista. “The killings inside the New Bilibid Prison continue with impunity despite the recent change of leadership at the Bureau of Corrections. Corruption, drugs, and other illegal activities are a daily occurrence in the four walls of the national penitentiary.”

Sinasabing humingi raw pala ng saklolo ang Bureau of Corrections (BuCor) sa search and rescue team ng Philippine Coast Guard (PCG) para hanapin ang nawawalang preso sa loob ng 10.87-hectare maximum security compound. Doon na nga nadiskubre ang labi ng bilanggo.

Si Cataroja raw ay na-convict sa kasong paglabag sa anti-fencing law at may nakabinbin ding kasong pagnanakaw ng sasakyan.

Well, abangan natin ang susunod na kabanata.

256

Related posts

Leave a Comment